Pagkatanggal pa lang ng piring nito ay biglang napaatras at nanlaki ang mata ni Conrad nang makilala si Cassandra.
Bakasa mukha nito ang kalituhan at napatingin sa paligid.
Hindi dahil sa liwanag kundi dahil sa lawak ng espasyong bumungad kay Cassandra.
Marahang kumurap ang kanyang mga mata. Ang unang nakita niya ay kisame na napakataas, puno ng mga kristal na chandelier na kumikislap na tila malamig na mga bituin. Hindi ito isang simpleng bulwagan. Ang marmol na sahig ay kumikinang, at ang bawat yapak ay umaalingawngaw. Nasa paligid ang mga lalaking naka-itim na tuxedo at mga babaeng balot sa mamahaling bestida. Hindi lahat pero karamihan ay nakatingin sa kanya.
Nanlamig ang buo niyang katawan. Kusang napahigpit ang hawak niya sa sariling mga kamay. May mga bantay sa gilid, hindi halata sa unang tingin, pero mapapansin sa tindig at sa paraan ng kanilang pagmamasid. Walang may hawak na selpon. Walang kumukuha ng larawan. Parang isang tahimik na kasunduan ang umiiral sa loob ng lugar.
Biglang nagsalita ang isang boses sa likod niya.
“Good job.”
Napalingon siya sa babae na nakangisi sa kanya.
“Mabuti Magaling si Miss Antonia… kaya buhay ka pa.”
Napakunot ang noo ni Cassandra. Hindi niya agad naintindihan
Luminga-linga siya at doon siya napatitig ng tingin sa isang tao na hindi niya alam kung kinaawaan ba siya o pinagtatawanan.
Si Conrad. Katulad niya ay nakatingin din ito sa kanya pero hindi niya mabasa ang reaksyon nito.
“Miss this way, may makukuha kang pera.” Sabi ng staff kaya napayuko siya at sumunod sa babae. Ngunit rinig pa rin niya ang tawa ni Antonia.
“Yes, uncle. I told Conrad that a simple wedding would be fine. Pero ang gusto niya ay bongga, spoiled niya talaga ako.”
May kumurot sa dibdib ni Cassandra sa narinig pero hindi siya lumingon at mabilis lang siyang naglalakad.
Pagkarating nila sa isang lamesa ay agad na sinabi ng babaeng kasama niya na may matatanggap siyang tseke mula kay Mr. Del Carmen kaya kumalabog ang dibdib niya. Si Conrad pala ang bumili ng ulo niya kung ganoon?
“Claimed na ang isang milyon. Kinuha na ni Mr. Manaloto, asawa n’yo daw siya ma’am? May ID siyang pinakita at mga katibayan na asawa ka niya at may pirma mo pa na si Mr. Manaloto ang kukuha ng bayad ninyo.”
“Ay hala! alam n’yo po ba ‘yon ma’am?” tanong ng babaeng kasama niya.
Tumango na lang siya kasi wala naman na siyang magagawa. May pinirmahan pa siya saka na siya pinalabas sa exit.
Pagkarating niya agad sa kalsada ay sumalubong sa kanya ang malakas na simoy ng hangin kaya niyakap niya ang sarili. Hindi na siya nakapagsuot ng kaninang damit niya dahil wala na rin sa isip niya.
Malamig ang semento sa paa niyang walang sapin. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang magtiis. Dito naman siya sanay, ang magtiis ng walang kapaguran.
Patuloy lang siya sa paglalakad, mabagal at halos pasuray ang hakbang, yakap ang sarili na para bang may hinahabol na init mula sa loob ng kanyang dibdib. Hindi na niya pinapansin ang mga ilaw ng poste, ang mga dumaraang sasakyan, o ang mga matang napapalingon sa kanya.
Mahaba-haba na ang nilalakad niya nang may tumawag sa pangalan niya. Pero hindi siya lumingon, wala siyang pakialam sa lahat ng mga tao maliban na lang sa Lola niya at kapatid.
Hanggang sa lumagpas sa kanya ang itim na sasakyan at saka huminto.
“Cassandra!”
Tinawag siya nitong muli pero para sa kanya, parang hangin lang iyon. Ang boses nito ay umaabot sa tainga niya pero hindi niya pa rin nililingon. Para bang sarado ang mundo niya isang makitid na daan lang na paulit-ulit niyang tinatahak kahit hindi niya alam kung saan ito hahantong.
Isang kamay ang biglang humawak sa baywang niya at marahang ngunit madiing hinila siya paharap.
Napaharap siya.
At doon niya nakita si Conrad.
Hingal ito, bahagyang magulo ang kurbata nito na karaniwang perpekto. Hindi na iyon ang malamig at kontroladong lalaking nakatayo kanina sa loob ng bulwagan. Awang-awa sa kanya si Conrad.
Hindi nagsalita si Cassandra at si Conrad na pinasadahan siya ng tingin mula mukha hanggang talampakan.
Nanginginig si Cassandra sa lamig dahil sa manipis nitong puting bestida. Maputla ang labi at nagbibi-ak-biak kaya halatang kanina pa ito nilalamig at dehydration. Ngunit pagbaba pa ni Conrad sa mga paa niya ay doon na napaawang ang bibig ng doctor.
Nakayapak lang si Cassandra at may mga sugat-sugat pa ang paa.
Namumula at may maliliit na gasgas mula sa aspaltong nilakaran niya.
Napamura si Conrad nang mahina ngunit mariin.
“Why would you hurt yourself like this, Cassandra?”
Hindi siya umimik at nagpatuloy siya sa paglalakad kaya muli siyang hinawakan ni Conrad nang winaksi niya ang kamay nito.
“Huwag mo akong hahawakan!” mariin niyang sigaw.
Nagulat si Conrad hindi dahil sinigawan siya nito kundi ang masagana nitong mga luha. Pero agad na pinunasan ni Cassandra ang mga mata niya at muli itong naglakad.
Pinagmamasdan ni Conrad ang babae na hirap na hirap sa paghakbang at halatang lamig na lamig. Mabilis niyang sinundan si Cassandra at muli niyang hinawakan at muli rin siya nitong winaksi pero hindi na siya nagpatinag.
“Sumakay ka sa kotse!”
“At sino ka para sundin ko? asawa ba kita?” matapang na sagot sa kanya ni Cassandra kaya nagtagis ang bagang niya.
“Cassandra, listen to me,” mas mababa na ang boses niya ngayon. Siya na itong nakikiusap pilit tinatakpan ng pagiging bossy niya.
“You’re freezing.”
“Ano ngayon? bitawan mo ako, hindi kita kailangan!” sagot ni Cassandra.
Pero sa inis niya ay binuhat niya agad si Cassandra na pilit pang nagmatigas pero walang nagawa dahil likas pa rin siyang malakas bilang lalake.
Pagkapasok sa kotse ay doon na rin siya mismo pumasok at umusog na lang siya. Akmang bubuksan pa ni Cassandra ang pinto pero hindi nito alam paano ‘yong ganitong mamahaling sasakyan.
Kaagad niyang binuksan ang heater at kinuha ang coat niya sa likod. Hindi siya kumibo basta isinapin niya iyon sa mga balikat ni Cassandra.
Doon lang bahagyang gumalaw ang babae.
Hindi siya tumingin kay Conrad.
Nakayuko lang siya, hawak ang coat na parang iyon lang ang natitirang bagay na puwede niyang kapitan.
Tahimik ang loob ng sasakyan. Napahinga nang maluwag si Conrad dahil sa wakas hindi na nagmatigas si Cassandra.
“Alam mo ba ang address pauwi sa bahay ng asawa ko?”
Napapikit nang mariin si Conrad at napabuntong hininga nang malalim.
“I don’t know. And even if I did, I wouldn’t take you there. I’m taking you to my house.” Sagot ni Conrad.
“Hahanapin din naman ako ng asawa ko.”
“Damn it, Cassandra!” napataas na naman ang temper ni Conrad. Bakit kasi sa tuwing binabanggit nito ang asawa ay bigla na lang kumukulo ang dugo niya!
“Bakit hindi mo pa hiwalayan ang gagong ‘yon? sinasaktan ka niya, Cassandra! pinahihirapan—”
“Dahil hindi ako katulad mo, Conrad. Hindi sulosyon ang paghihiwalay kapag hindi kana masaya. Isa pa, hindi mo alam ang rason kung bakit ako hindi makawala sa puder ng asawa.”
“Then tell me! tell me right now, Cassandra!”
“And why would I tell you, Conrad?”
“Because I was your husband… even If I didn’t love you but I still care about you, Cassandra.”
Napakurap si Cassandra, inamin na talaga sa kanya ngayon ng dating asawa na hindi talaga siya nito minahal kaya napakadaling makipaghiwalay nito sa kanya.
“I know, Conrad. Pero hindi mo na kailangan mag-alala pa sa akin. Sinabi ko naman sa ‘yo hindi kita kailangan at lalong hindi ko kailangan ng pag-aalala mo.” Sagot niya.
Ngunit tumahimik na si Conrad at mabilis lang nitong pinaharorot ang sasakyan hanggang nakarating sila sa mansion.
Pinagbuksan siya ni Conrad ng pinto at lumabas siya agad. Napatingala siya sa napakagandang mansion ni Conrad. Lumapit si Conrad at nagulat siya dahil pinahid nito ang pisnge niya. Kaagad niyang pinahiran ang mga luha niya. Hindi niya alam bakit bigla na lang lumandas ang luha niya nang hindi niya namamalayan.
“You’re crying again, Cassandra…”
“Pasensya na Conrad. Hindi ko sinasadya… nadala lang siguro ako… hindi ko lang akalain na after ng ilang taong lumipas ay makikita ko muli itong bahay mo.”
“Bahay mo rin naman ito, Cassandra. Tumira ka dito—”
“Pero hindi na ngayon, Conrad.” Putol niya sa sasabihin nito. Hindi nakakibo si Conrad dahil tama naman si Cassandra.
“Come…”
“Teka Conrad… hindi ko yata kayang pumasok ngayon ulit diyan.”
Kumunot agad ang noo ng doctor.
“Why not?”
“Baka…” napalunok siya at nahihirapang sambitin ang nasa dulo ng dila niya.
“Baka?” tanong ni Conrad.
“Baka kasi… baka nariyan si Antonia at makita niya ako. Di ba at hindi niya puwedeng malaman na ex-wife mo ako?” tanong niya kay Conrad.
Hindi nakapagsalita ang doctor at nakatitig lang ito sa kanya. Hindi lang akalain ni Conrad na kahit matagal na panahon na ‘yon ay tila sariwa pa rin sa dati niyang asawa ang lahat. Para na itong nagka-trauma na muling tumungtong sa mansion na minsan nilang naging tahanan.