Habang nagsasalaysay si Tabs sa nangyari sa shipment kagabi at walang imik si Mattias. Wala roon ang utak niya kundi na kay Lady Abby. Sa babaing bumihag sa puso niya sa napakaikling panahon. Kanina sa labas ng Brent Company ay gusto niyang lapitan ang dalaga subalit natanaw niya sa hindi lalayuan ang grupo ni Islao. Galit na galit siya sa taong iyon at alam niyang magkakaroon ng gulo sakaling magkita silang dalawa kaya minabuti niyang umalis na sa lugar na iyon. Babalik na lang siya mamaya o kaya bukas para tanungin ang guwardiya tungkol sa dalaga. "So, hijo," wika ni Don Ismael matapos ang salaysay ni Tabs. "Ano ang mabuti nating gawin sa Obstaculo na 'yon?" "Obstaculo?" Kumunot ang noo ni Mattias. Hindi talaga pumasok sa utak niya ang mga sinabi ni Tabs. "What about him?" Bumangon a

