"Yes," saad ni Mattias habang kausap sa cellphone ang isang tauhan. "I need those clothes before ten o'clock in the morning." Ibinaba na niya ang cellphone at ibinaling ang paningin sa nakapinid na pinto ng banyo.
Naroon na naman ang mainit na pakiramdam sa buong katawan niya at hindi niya alintana ang basang damit. Naninikip ang suot niyang pantalon at tila may isang bagay na nais na kumawala roon. Sabik na sabik siya na maikama ang dalaga ngunit hindi niya alam kung papaano sisimulan.
Bumuntong-huminga na lang siya saka nagtungo sa terrace. Palakad-lakad siya roon habang nag-iisip kung ano ang magandang move para mapapayag ito. Mukha kasing hindi umubra ang pagpapakita niya ng motibo kanina.
"Damn!" mahinang mura niya at ikinuyom ang isang kamao. Kinakabahan siya. Ngayon lang siya nagdala ng babae dito sa mansiyon ng mga magulang niya. Unang beses din niya ngayon na mang-akit ng isang babae at hindi niya alam kung epektibo ang gagawin niya.
Pumasok na lang siya sa kuwarto at natigilan siya nang makitang papalabas na rin sa banyo si Lady Abby. Nakatapi lang ito ng tuwalya. Tumutulo ang ilang butil ng tubig sa leeg nito. Napansin din niya ang basa at mahaba nitong buhok na ngayon ay naipon sa isang nitong balikat pababa sa dibdib.
Hinigit niya ang kaniyang paghinga. Isa sa mga kahinaan niya sa isang babae ay ang pagkakaroon nito ng mahabang buhok. Hindi niya alam kung bakit pero naaakit siya sa mga babae na nagtataglay ng ganoon kahabang buhok. Lahat ng mga babaing naikama niya ay mahahaba ang buhok pero itong si Lady Abby ang may pinakamahabang buhok. Lagpas baywang ang buhok nito at maraming senaryo ang nagsasalimbayan sa utak ni Mattias kung ano ang gagawin niya sa buhok na iyon sakaling maikama niya ang dalaga.
"I'm done," mahinang wika ni Lady Abby saka nagbaba ng tingin dahil naiilang siya sa mga titig ng lalaking tumulong sa kaniya. "It's your turn."
Kahit kinakabahan ay napangisi si Mattias. Iba talaga ang pakahulugan niya sa mga salitang binibitiwan ng babaing kaharap. Naiinis siya sa sarili dahil kanina pa sila magkasama pero hanggang ngayon ay tila walang senyales na maikakama nga niya ang dalaga. Mahina ito sa unang tingin, pero may itinatagong lakas na hindi niya mawari at iyon ang ikinakatakot niya.
"Hey," muling wika ni Lady Abby dahil wala siyang natanggap na tugon mula rito. Kahit kinakabahan ay sinalubong niya ang titig nito. "I said it's your turn."
Wala sa sariling napatango si Mattias. "Yeah. Thank you."
"Anyway, can I borrow your phone? I'll try to call my parents." May kalokohan na namang sumagi sa utak niya sa oras na mahawakan niya ang cellphone nito.
"Yeah. Of course." Iniabot ni Mattias ang cellphone. Lihim siyang nagpasalamat na spare cellphone ang gamit niya at walang nakalagay sa contacts niyon. Binura din niya kanina ang mga mensahe na dumating pati na ang naroon sa call logs kaya walang makukuhang impormasyon ang dalaga.
"Thank you, Mathew," anas ni Lady Abby kahit kinakabahan dahil tila may kuryenteng hatid ang palad ng lalaki. Ramdam niya kasi ang kuryenteng gumapang sa kamay niya patungo sa braso niya nang magkadikit saglit ang kanilang mga palad.
"I'll be right back." Kumindat si Mattias saka tinungo ang banyo.
Umikot ang mga mata ni Lady Abby nang marinig ang pagsara ng pinto. Napangiti siya sa sarili. Tila may kung anong bagay siyang naramdaman sa dibdib niya dahil sa kindat na 'yon.
Naupo siya sa gilid ng kama at tiningnan ang cellphone ni Mattias. Pinindot niya ang contacts para tingnan ang mga pangalan doon. Pati messages ay pinakialaman na niya ngunit wala siyang makuhang impormasyon dahil walang nakalagay doon.
Napailing na lang siya. Masyadong sigurista si Mattias kaya tumayo na lang siya para silipin ang glass door kung saan niya nakita ang mahabang baril. Para kasing may itinatago roon ang binata.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. Tumiim ang kaniyang bagang dahil bigo siyang malaman kung ano talaga ang laman ng kuwarto na 'yon. Humarap na lang siya para hindi ito makahalata sa plano niya.
"Are you looking for something?" seryosong wika ni Mattias. Wala itong suot pang-itaas at nakatapi lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.
Napaawang ang labi ni Lady Abby. Para siyang naglalaway sa hitsura ng lalaking kaharap. Namumutok ang muscles nito sa magkabilang braso at dibdib. Ang malapad nitong balikat pababa sa mala-pandesal nitong abs ay halatang-halata na alagang-alaga sa gym. Natutulala siya sa napagmamasdan. Pakiramdam niya ay isa itong diyos na naninirahan sa Mount Olympus na sinadyang bumaba para makilala ang isang babae na katulad niya.
Nakangisi si Mattias habang papalapit kay Lady Abby. Sa utak niya ay iyon na ang tamang pagkakataon para tuluyang mapasakaniya ang babaing nagbibigay sa kaniya ng kakaibang init sa katawan. Hinding-hindi siya papayag na matapos ang gabing ito na walang nangyayari sa pagitan nila.
"Gail?" mahinang saad ni Mattias. Gamit ang kanang hintuturo ay pinasadahan niya ang kabila nitong pisngi pababa sa baba nito habang bumubulong. "If you want something just tell me."
"Ah... eh..." Paputol-putol ang pagsasalita ni Lady Abby. Hindi siya makapagpokus sa sasabihin dahil natutuliro ang utak niya sa perpektong katawan ng binata.
"Tell me, Gail sweetheart."
Ilang segundo ang dumaan ay nakaisip din siya ng idadahilan. "I...I was trying... to look for your...clothes. Maybe...I could borrow one?" Naglakad siya paurong dahil mas lalong inilapit ni Mattias ang sarili nitong katawan sa kaniya. Natigil lang siya nang lumapat ang kaniyang likod sa malamig na pader.
Ngumisi si Mattias saka inilapat sa pader ang magkabilang palad dahilan para maikulong si Lady Abby sa pagitan ng matitipuno niyang braso. "Clothes aren't necessary at this moment, Sweetheart," mapang-akit niyang bulong sa tainga ng dalaga. "I am here to keep you warm."
Napasinghap si Lady Abby lalo na nang rumagasa sa buong katawan niya ang kakaibang init na hindi niya maintindihan. Nakaawang pa rin ang labi niya at tila naghihintay na dumapo roon ang labi ni Mattias. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga dahil nakatitig na ito sa mga mata niya.
"Gail," mahinang wika ni Mattias. "Can I kiss you?"