Chalter 35 Georgina's POV Nagising ako na mabigat ang ulo at pakiramdam ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang puting ceiling ng aking kwarto. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama habang hawak ang sumasakit kong ulo. Ano bang nangyayari sa'kin at nakakaramdam ako ng ganito? Dala kaya 'to ng stress? Aish. "You're finally awake." Napa-tingin ako sa nag-salita and I saw Levi holding a basin. "Levi?" Lumapit ito sa kama ko at inilapag ang dala nitong maliit na balde sa aking bedside table. "You're slightly burning, Georgina. What happened?" He asked habang nagpipiga ng isang malinis na bimpo. Napamaang naman ako. Hala nilalagnat ako? "Huh? Really? I have a fever?" I asked as I cupped my forehead using the back of my hand. Tumango-tango naman sa'kin si Levi

