Georgina's POV Naka-taas lamang ang isang kilay ko habang naka-tingin sa lalaking kasama ko ngayon dito sa loob ng elevator. What the hell is he doing here? Urg. Katulad ko ay mukhang nagulat din siya sa presensya ko. Who wouldn't? It's been 2 years since the last time we saw each other and I am not still ready to see him again. This is crazy! Talaga bang nang-aasar yung tadhana at pilit kaming pinagtatagpong dalawa? Okay, calm down Georgina. Calm down. Urg! Sana hindi na lang ako lumabas ng opisina eh, kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari. Pero ganoon na lang ba ang pag-lakas ng t***k ng puso ko nang mag-tagpo ang aming mga mata. Saglit akong napa-tigil at napa-titig. Walang pinag-bago ang kaniyang mga mata, ganoon pa din siya kung tumitig. Napaka-lalim na tila ba na

