Chapter 32 Third Person's POV Halos hindi malaman ni Sandro ang gagawin nang malaman niyang nag-tangka na namang magpaka-matay ang dalaga. Hindi siya mapakali dahil natatakot siyang baka mawala na naman sa kaniya ang dating kababata. Oo, wala na siyang nararamdaman na pagmamahal para dito. Buong puso niya ay inalay na niya kay Georgina, pero hindi pa rin mawawala sa kaniya ang mag-alala dito at ang importansya nito sa kaniya. Somehow, Aica has a special place in his heart at hindi iyon mawawala. "C'mon, puntahan natin si Aica. Baka kung mapano siya." Nag-aalalang sabi ni Georgina sa kaniya nang mapansin nitong naka-tulala lamang siya. Wala sa sariling niyakap niya ang babae at kahit papaano ay nagawa niyang kumalma. "I'm scared, baby." Pag-amin niya rito. Hinaplos naman ni Georgina a

