Georgina's POV "Welcome to Paris!!!" Masayang pahayag ko habang naka-taas ang mga kamay ko sa ere. Grabe! First time kong pumunta rito sa Paris, France at talagang masasabi ko na napaka-ganda rito! Kung hindi pa ako ikakasal, hindi pa ako makakatungtong dito. Nasa bucket list ko kaya ang City of Love! "Are you happy?" Tanong ni Sandro habang naka-akbay ito sa'kin. Tumingin naman ako rito at naka-ngiti akong tumango. "Sobra! Grabe excited na ako mag-libot!!!" Tuwang-tuwang sagot ko. Tumawa naman siya at marahan pinisil ang tungki ng ilong ko. "You're so cute when you act like that." He said chuckling. "Cute talaga ako!" And I playfully wink at him. Nangingiting umiling na lang siya at sumakay na kami sa sasakyan na siyang maghahatid sa hotel na tutuluyan namin. We're here for our hon

