Sa kalmadong boses, tinawagan niya ang mommy niya pagkatapos sabihin sa driver ang destinasyon niya. “Mommy, I left Brad. Kung tatawag siya o pumunta diyan don’t tell him we talked. “What happened? Seryoso ka ba anak? Nilayasan mo ang asawa mo?” tarantang tanong ng mommy niya. “I am serious mom. Sa rest house natin sa Cavite ako papunta ngayon. For sure diyan ako unang pupuntahan ng lalaking yun.” “Sasamahan kita. Papahanda ko na ang kotse.” Biglang namasa ang mga mata niya. Ngayon niya kailangan ang mga magulang niya kaya hindi na siya kumontra sa sinabi ng ina. “Hindi ka hahayaan ni daddy na mag-isang pupunta dun. I am positive na sasama siya. I will just meet you both there. Thanks mom and pasensya na sa abala. Mamaya ko na lang ipapaliwanag lahat. “ pigil ang iyak na sabi niya.

