“Kumalma ka!” mahina pero madiin na sabi ni Brandon sa anak. Hinagis ni Brad ang isang upuan sa dingding sabay nagmura ito. Hinawakan ni Brandon ang isang braso ng bunsong anak pero sa galit nito, mukhang hindi uubra kung ito lang ang aawat kaya tumango ito kina Mercado at Leviste, ang dalawang bagong bodyguard ng pamilya Lopez. Mabilis na lumapit naman ang mga ito. “Don’t even think about it kung ayaw niyong masaktan.” Banta ni Brad. Napatigil sa paglalakad ang dalawa at alanganing tumingin kay Brandon. “Pero kung gusto niyong sa inyo ko ibuhos ang putanginang galit ko di sige! Bilisan niyo! Lapit!” gigil na sabi nito at akmang susugurin ang dalawa. “Tumigil ka!” saway ni Brandon bago iharang ang katawan. “Sige na lumabas na muna kayo! Ako ng bahala dito!” utos nito sa dalawang mas

