Chapter 30 Steven POV: Galit at inggit ang s'yang umaapaw sa damdamin ko ngayon habang kasama ko si Dad sa hapag-kainan. Hindi ko pa rin kasi matatanggap ang naging desisyon nito na si Tyler ang ipapakasal kay Shamyka. Like the f**k! Ako ang panganay na anak, kaya dapat ako ang palaging nangunguna! Pero hindi ito ang nangyari dahil mas pinaboran niya ang gagong 'yon! "Hindi ko nagustuhan ang eksena mong ginawa kahapon, Steven. Nakakahiya sa magulang ng dalaga.", saad ni Dad habang nginunguya ang suasage sa bibig. "Kahit sinong tao, magugulat ng ganon, Pa.", "--Ni hindi niyo ako sinabihan na may pamamanhikan na magaganap. Tsk.", inis kong turan. "Ang dami kong inaasikaso anak, kaya hindi na sumagi sa isip ko na sabihan ka.", pagkaklaro nito para hindi sumama ang loob ko. "Pero ba

