Chapter 33 Tyler POV: Halos hindi maalis ang pagmasid ni Shamyka sa akin habang inaayusan siya. I don't know why, but when it comes to her, masyado akong naduduwag. Nawawala ang pagka-angas ko dahil sa tingin niya palang, tumitiklop na agad ako. "Oh ayan, you look so pretty.", sambit ng taong nag-aayos sa kanya. Tila nag-slow motion ang buong paligid nang lingunin ako ng dalaga. She's perfect! She's like a Goddess na bumaba rito sa lupa. Sa sobrang pagtitig ko, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Para akong natulala sa kawalan, kaya hindi ko agad naramdaman ang presensya nito "Tulo laway ka na naman sa kagandahan ko.", bigkas ni Shamyka at sinara ang aking bibig. "Tsk. May iniisip lang ako.", pagpapalusot ko kasabay ng pagkuha ko ng dyaryo. "Okay, sabi mo eh."

