Ang halik ni Liam sa noo niya ang nagpagising sa dalaga. Pupungas-pungas pa siya nang idilat niya ang mga mata niya na agad sinalubong ng guwapong mukha ng lalaki. Nakasuot na ito ng tuxedo at bahagyang basa pa ang magulong buhok nito. "I'll be going now, my sweet." "Aalis ka na?" Tumango ito. Ramdam ng dalaga ang bahagyang pagsimangot ng kanyang mga labi. Mahina itong natawa nang makita ang ekspresyon niya. "Look, kitten, don't make it hard for me to leave. Cause all I want to do right now is to kiss you again and..." "Umalis ka na nga, puro kalokohan laman ng utak mo. Do'n ka na sa babae mo." Ngumuso ito. "Babae? Are you jealous, kitten?" "Hindi, a." "Don't make me do some dirty tricks to make you say you're jealous." "Hindi nga sabi," may halong inis na sabi niya. "Why are you

