Nang mauligan ni Rian ang pagdating ng pulang Ferrari ni Liam ay dali-dali siyang nag-ayos. Hindi na niya kakayanin kung tatagal pa sa isang linggo ang pag-iiwasan nila. Kailangan niya itong makausap nang masinsinan. Imbes na tumuloy ito sa loob ng bahay ay nagpunta ito sa garden. Bumalik naman ang sekretarya nito sa loob, bitbit ang susi ng sasakyan. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at sinalubong ang matanda. "O, Miss Rian. Saan ka pupunta? Gabi na, a," puna nito. "Nasaan si Liam, Claude?" "Nasa hardin si Liam. Matulog ka na, baka magalit 'yon kapag inabutan kang gising no'n." Imbes na sundin ang utos ni Claude ay lumabas siya ng mansiyon at nagpunta sa garden. Tinahak ng mga paa ni Rian ang parang labrinitong hilera ng iba't ibang exotic na mga halamang nakatanim doon. Sa hindi ka

