III

2041 Words
Ilang araw na ring pabalik-balik si Liam sa partikular na restaurant na iyon. Sometimes he'll stay there for a few hours, sometimes almost half of the day. Hindi naman sa ayaw na niya sa mga luto ni Claude o dahil sa wala na siyang ibang makainan sa siyudad ng X, kung hindi dahil sa babaeng nagsisilbi sa kanya kapag kakain siya roon. He specifically requests for Rian's service everytime he chooses to eat there. Minsan pa nga na natiyempo na day-off nito kaya hindi niya na itinuloy ang pagkain doon. He's acting bizarre, and he knew it. But definitely, he's not in love. Liam knew deep in his heart that he longs for Vanessa. Sa loob ng dalawang taon na hindi na ito nagparamdam, walang ibang babaeng pumukaw ng atensyon niya maliban sa waitress na kamukhang-kamukha nito. And Liam justifies his frequent visits to the restaurant by his longing for his ex-fiancée, nothing more and nothing less. Kahit na sabihin pa ni Claude nang paulit-ulit na baka nai-inlove siya. "So, Rian. Tell me about your past jobs." "Ay naku, Sir. Lahat ata nagawa ko na. Labandera, waitress, saleslady, janitress, napasok ko na 'yon lahat, Sir." Hindi mapigilan ni Liam na maenganyo sa boses nito. Sa paraan ng pagkukuwento. Para siyang nakahanap ng live entertainment sa gitna ng seryoso at marahas na siyudad. Maraming kuwento ang dalaga. Siguro ay dahil marami na rin itong karanasan sa hirap ng buhay. And Liam can't help but to compare her with his ex-fiancée. "Ikaw, Sir. Ano bang trabaho mo?" Mahina siyang natawa. Hindi ba nito kilala kung sino siya? "Wait, don't tell me you don't know me?" Magkahalong tawa at pagtataka ang nakapinta sa mukha ng kaharap niya nang sabihin niya iyon. "Hindi, Sir. Maliban sa kilala kita bilang kostumer ng resto. 'Yon lang." Ngumiti ito na parang nang-aasar. "Siguro Sir, artista ka, 'no? Mukha ka kayang Arabo." Liam chuckled. "No. Actually, I manage a few businesses." It was a lie. Liam Astoria doesn't just manage a few businesses. Halos siya na ang nagpapatakbo ng industriya ng siyudad ng X. Mula sa mga hotels hanggang sa finance at pagkain, ang mga malalaking kompanya ni Liam ang nagpapaikot sa daloy ng komersyo sa lungsod na iyon. He's practically richer than the mayor himself. With a net worth of a whooping 30 billion pesos, Liam is the youngest billionaire in the country. So, no, he's not just a bussinessman. He is an elite member of the créme de la créme. But of course, I won't tell her, Liam thought to himself. He knew so many people who showed their true colors when they learned that he is Liam Astoria. People become greedy when it comes to money. Isa iyon sa mga kahinaan ng mga kalaban niya sa negosyo na nagiging dahilan para matalo niya ang mga iyon. Dahil kapag minsan ka nang nakahiga sa kutson, gugustuhin mo pa bang bumalik sa papag? You become insatiable. You strive for more. And that's how Liam sees the weaknesses of his rivals and the people around him. Greed. But he'll admit, he's greedy too on his own right. Possessive, to be precise. Ayaw niya na may humahawak sa mga pinakapaborito niyang gamit o kahit na sa mga empleyado niya. He's always a jealous man, with his stoic demeanor and authoritative voice, and he managed to conquer the city of X with his riches and power. "Taray, Sir. Sana all." He chuckled. "Maybe you once became one of my employees. Who knows?" She shrugged. "Sa dami na rin ng napasukan ko, hindi ko na matandaan kung sino ang mga may-ari ng mga 'yon, Sir." No'ng isang araw lang ay ibinigay sa kanya ni Claude and folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa dalaga. Mula sa address hanggang sa mga naging trabaho nito. Liam also knew she's raising her two siblings alone and that her father left them debts. No boyfriend since birth, never been kissed and touched. Highschool graduate. What impressed him is that her job history were all legal and clean. Maraming kumakapit sa patalim kapag nasa siyudad ka, 'yan ang paniniwala ni Liam. Patunay ang mga nagkalat na strip clubs at mga casino sa siyudad. Isa sa mga casinong iyon ay pagmamay-ari niya at ang pinakanakakamangha sa lahat ay iyon din ang kaparehong casino na dahilan para mabaon sa utang ang ama ni Rian. Liam can't believe the coincidences. And how he feels a little bit guilty about it. Hindi niya mawari kung bakit may nararamdaman siyang guilt. Kailan pa ba siya huling nakadama ng ganoon? Hindi na niya rin maalala. Many say he's cruel, and he lives up to that name. But knowing that he's a part of the reason why she's living in debt right now, makes Liam feel a heavy sensation deep in his chest. "Wala ba kayong kamag-anak dito?" tanong ni Liam. Alam niya naman ang sagot sa mga tinatanong niya pero iba pa rin sa pakiramdam na marinig iyon mula sa bibig ng dalaga. May kung anong mahika ang boses nito na dahilan para panandalian niyang makalimutan ang mga problema niya. "Wala, Sir. Simula no'ng nabaon sa utang si Papa, lahat sila biglang nawala. Lalo na 'yong mga andaming hininging pabor sa aming mag-anak. Lumayo. Ayaw sigurong mahingan ng tulong." He scoffed. "Wow, those guys are scums." Malungkot lang na ngumiti ang dalaga. "Kamag-anak ko pa rin naman sila, Sir. Hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong mapapala kung hahabulin ko pa, e." Liam sipped his wine and glanced at his wrist watch. Halos limang oras na siyang nandodoon. He's practically buying Rian's whole shift for days now. Claude handles his meetings for a while now whenever he doesn't feel like talking to his associates. "Why are you hanging around me, then?" "Sabi mo Sir samahan kita," sagot nito. Mahina siyang tumawa. "O, yeah, right. I forgot. Nag-uulyanin na ako." Tumawa rin ang kausap. Hindi mapigilan ni Liam na hindi mapangiti habang pinapakinggan ang halakhak nito. She's nowhere near refined like those rich girls he meet in parties. 'Ni walang bahid ng make-up ang mukha nito ngunit litaw pa rin ang itinatagong ganda nito. "Nakukuha mo ba ang mga tip na ibinibigay ko?" tanong niya. Tumango ito. "Opo, Sir! Nakakahiya na nga po, e. Baka po isipin nila, may ginagawa tayong kung ano dito." Pansin ni Liam ang parang nahihiyang tono sa boses nito. He didn't expected that. Kung iba-iba lang siguro iyon ay baka mas sinamantala pa nila ang pagpunta ni Liam sa restaurant. What is she, a saint? sa isip-isip niya. "Let them be," sabi niya. Mayamaya ay tumikhim si Liam. Parang nilukuban ng kung anong hangin ang paligid at hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano pa bang gusto niyang itanong dito. He knew everything about her. God, Liam. What are you, a teenager? Get a grip! saway niya sa sarili. "A, Sir, tanong ko lang. Sa dalas kasi ng pagpunta niyo dito, kahit kailan hindi ko pa nalaman pangalan niyo," nahihiyang tanong nito. "Ano po bang pangalan niyo? Kung okay lang tanungin." He chuckled. "It's Liam. Sounds like yours, right?" Nahihiyang tumawa ito. "Oo nga, Sir. Gaya-gaya ka, a!" Kung ibang tao lang ang nagbiro kay Liam ng ganoon, baka nasapak niya na. O nailubog na niya sa utang. But this girl is different. She makes him feel like she's with... Vanessa. Damn, I'm lonely, he thought. Sa edad niyang bente y nueve ay si Vanessa lang ang tanging minahal niya. Nobody else. But she left and now he feels so empty and incapable of giving someone his love again. Pakiramdam niya nagago siya. 'Yon ang tamang paglalarawan sa nararamdaman niya ngayon. Nagago. Sino ba namang hindi? Especially if your fiancèe left you in front of the altar? "Uy, Sir. Hindi ka na kumibo. Nagbibiro lang ako," ang nag-aalalang boses ni Rian ang nagpabalik sa huwisyo niya. He cleared his throat and took a sip on his wine. "Wala, nag-iisip lang ako ng sasabihin." Hindi umimik ang kausap. Madalas na napapansin ni Liam ang pamumula ng mga pisngi nito sa tuwing kausap niya. At ang minsan ay pag-iwas ng tingin nito sa kanya. Sa lahat ng babaeng nakilala niya pagkatapos siyang iwan ni Vanessa, ito lang ang naiiba. Maliban sa parang carbon copy ito ng dati niyang nobya ay nakakaaliw rin talaga ang presensya nito. Mayamaya ay tumunog ang smartphone ni Liam. He stood up and went at the farthest corner of the VIP room, excusing himself. "What is it, Claude?" His tone was a little bit annoyed. "Are you enjoying yourself, son?" nang-aasar na tanong nito. "Yeah, right, Claude. Stop it." "Someone's being defensive," nambubuskang sabi nito. "Why don't you just ask her to be your kept woman, Liam? I mean, come on. You weren't that slow before. What Liam gets, Liam wants, right?" Mahina siyang natawa. "Whatever." Ibinaba niya ang telepono at bumalik sa kausap niya. Papikit-pikit na ang dalaga. Alam ni Liam na nagdadalawang trabaho ito minsan kaya pihado niya na wala itong tulog. Nang tumikhim siya ay parang nagising ang diwa ng dalaga. Napadiretso ito ng upo at tumingin sa kanya. "A, Sir, aalis na po ba kayo? Teka lang po, kuhanin ko lang 'yong bill niyo." Pinigilan niya ito nang akmang tatayo ito at lalabas ng silid. "No, actually I might be staying for a little while." Hindi niya gusto na marinig ang pambubuska ni Claude at may demonyong bumubulong sa isip niya. Liam wants to ask her a specific question, and he's trying to test the waters if she'll get offended or not. Naglalaro sa isipan niya ang suggestion ni Claude. It wasn't really that bad. Plus, he'll see Vanessa's face all day long, hindi lang sa limitadong oras kagaya ngayon. If he's lucky, he might even get to hold her and caress her and make love to her, just like the old days. Kahit na hindi ito ang totoong Vanessa, madali lang namang magpanggap, hindi ba? Sumandal siya sa kinauupuan niya pagkatapos ay tumingin sa dalaga. Napansin niya ang paglunok nito. Did he scared her? "So, Miss Rian. Do you know what a kept woman is?" Napamulagat ang dalaga. "Ho?" "Kept woman. Someone who's given money and place to live in, exchange for being exclusive to one man only." "Sir, puwedeng paki-Tagalog? Hindi kasi ako magaling mag-Ingles," nahihiyang sabi nito. "Oh," he said. " I forgot. Kept woman. Maraming ganito dito sa X. Mga babae na binibigyan ng pera at ng magagandang bahay ng mga negosyante, in exchange, magiging exclusive lang sila doon sa lalaking nagbabayad sa kanila. Sometimes they are mistresses or just plain companions. You get the idea." Tumango-tango ito. "Parang kabit?" "Not really . It depends if the man is married or not... It got benefits, but also got downsides. I mean, in exchange for an extravagant lifestyle you're not allowed to love and meet somebody else." Naasiwang ngumiti ito. "A e, Sir, bakit niyo ako tinatanong ng ganito? Hindi naman po ako gano'n," medyo naiilang na sabi nito. "Hear me out." He chuckled. "Being a kept woman has a lot of benefits. I mean, you told me that you're raising your siblings and that you're deep in debt now. Imagine, someone would pay for your debts and raise your siblings and you'll live a luxurious life and—" "Puwedeng 'wag ka nang magpasikot-sikot, Sir?" Nag-iba ang tono nito. Hindi matantiya ni Liam kung galit ba ito o nananabik. Unfazed, he leaned on his chair, and looked straight into her eyes, determined. Yeah, he is Liam Hayes Astoria. The richest man in X city. And what he wants, he always gets. And he's goddamned lonely right now, there's a girl that looks like his ex-fiancée, what an opportunity to miss. Maybe he can pretend that she's Vanessa and he can cure his longing and even help a girl in need. Liam knew that no one can resist him. And he bet, Rian can't, too. He expects her to agree with his proposal, and it would be a win-win situation for the two of them. "I'm proposing. Be my kept woman, Rian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD