XLVII

2048 Words

Mahal niya si Rian. Mahal niya si Rian Vera Cruz. Iyon ang mga katagang paulit-ulit na isinisigaw ng utak at puso ni Liam habang pinagmamasdan ang dalaga na nakaluhod at nagdarasal. Habang nakaupo siya sa likuran nito at tahimik na pinapanood ito. Mahal niya si Rian. At ang pagmamahal na iyon ay hindi lamang iyong tipo na gusto niya lamang maangkin ang katawan nito at ang mga labi nito. Iyon ang tipo ng pagmamahal na mas malalim, mas marubdob, mas matindi. Iyong tipo ng pagmamahal na wala na siyang ibang hihilingin kung hindi ang mayakap ito sa mga pinakamadidilim na gabi ng buhay niya at sa mga pinakamaliliwanag na umagang kanyang tatanawin. Ang pagmamahal niya para rito ay iyong tipo na hindi lamang para sa mga pinakamasasayang sandali ng buhay niya, kung hindi pati na rin sa pinakama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD