V

2041 Words
Liam stayed inside his red Ferrari, waiting, the rain pouring outside, hitting the windows of his car. Nakatuon ang tingin niya sa pinto ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Rian. Hinihintay na lumabas ito. O pumasok ng restaurant. And every minute that passes feels like he's losing his mind. He needs to see her face. That face similar to Vanessa's. Ngunit ilang oras na ang lumipas pero walang Rian na pumasok o lumabas ng restaurant. He knew that today's isn't her day off. Nagbabalak pa lang siya na buksan ang smartphone niya ay tumunog na iyon. He quickly answered it. "She didn't come for work today, Liam." It was Claude. Hindi umimik ang lalaki. His eyes were glued on the door leading to the restaurant, hoping that his secretary was just mistaken or if she's just late for work. "May sakit ang kapatid ni Rian Vera Cruz. Naka-confine sa X Hospital. It's on the report of the private investigator I hired to follow her." He sighed. "You did what?" Hindi umimik ang nasa kabilang linya. Parang tinatantiya siya. Ngunit alam ni Liam sa sarili niya na kahit na anong kulit ni Claude ay hindi niya magagawa na magalit dito dahil para na niya itong ama. "Look, Claude. I'm not mad. I want to know what happened to her." "And why is it?" "Is it really that important?" Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang kausap. "It's dengue. You know that she and her siblings live in that run-down apartment downtown, right?" Mahinang napamura si Liam. He ended the phone call. He's torn between going home and following Rian. He's somewhat concerned that she might end up asking help from the wrong hands. Alam niyang mas lalong lalala ang problema ng dalaga at hindi niya alam kung gagamitin niya ba ang pagkakataon na iyon para mapa-oo ito sa alok niya. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ay nakapagdesisyon na siya. Ini-start niya ang Ferrari at nag-drive papalayo. ---------------------- Tuliro si Rian. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Na-dengue ang pinakabata niyang kapatid na si Ronnie at kinailangan itong i-confine sa ICU kagabi. Hindi na siya nakapasok sa trabaho niya sa pag-aalala at maliban pa roon ay kinakailangan niyang maghanap ng mauutangan. Utang na naman, mahinang bulong ng isip niya. Kanina pa siya walang kain at tulog dahil binabantayan niya ang kapatid niya. Si Randall naman ay sandali niya munang iniwan sa kapitbahay nila sa apartment dahil ayaw niya na makakuha pa ito ng kung anong sakit sa ospital. Nasapo ng dalaga ang ulo niya. Hindi na niya alam kung paano siya makakabayad sa ospital. 'Ni hindi na nga niya mapagkasya ang kakarampot na perang natitira sa suweldo niya sa kanilang tatlong magkakapatid tapos ay heto pa at nagkasakit pa ang isa sa mga ito. Tumayo ang dalaga at lumabas ng ospital. Kailangan niyang maghanap ng extrang trabaho. Hindi puwede na mauupo na lang siya sa loob ng ospital at hintayin na may kumatok na grasya. Dinala siya ng mga paa niya kung saan-saan. Ilang tindahan na rin ang nadaanan niya para pagtanungan kung tumatanggap ba sila ng tindera o kahit ng tagabantay man lang. Ngunit kapag nga naman minamalas, lumipas ang buong maghapon na walang tumanggap kay Rian. Gutom at pagod na napaupo na lang siya sa tabi ng kalsada, hindi malaman kung ano pa bang puwede niyang gawin para kumita ng pera. Muling sumagi sa isip niya ang alok ni Liam. Parang tukso iyon na hindi umalis sa isipan niya. Hindi mapigilan ng dalaga na pag-isipan ang alok nito. Ngunit siguro nga ay mas mataas ang pride niya dahil pilit niyang iwinawaksi sa isipan ang mga nangyari kahapon. Maski ang lalaking iyon. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang pagba-vibrate ng kakarag-karag niyang cellphone sa bulsa. Tumatawag si Aling Susan. Mabilis niyang sinagot iyon. "Hoy, Rian! Asaan ka ba? Aba, iniwan mo pa ang kapatid mo dito! Hindi na nga kayo nakakabayad ng utang, palagi ka pang nasa galaan!" "Naka-confine po sa opsital si Ronnie, Aling Susan. Naghahanap po ako ng —" "Wala akong pakialam! Lumayas na kayo sa apartment ko! Mga buwisit kayo sa buhay ko!" Kasabay ng pagtapos ng ale sa tawag ay ang pagbagsak ng mga luha ni Rian. Alam niya na hindi niya na maidadaan sa pakiusapan si Aling Susan. Wala na talagang pag-asa na bigyan siya nito ng dagdag na palugit dahil ilang buwan na rin naman itong nagbibigay sa kanila. Nanginginig ang mga tuhod na tumayo siya at naglakad pabalik sa ospital. Ang paulit-ulit na pagba-vibrate ng cellphone niya ay hindi niya pinansin. Alam niyang si Aling Susan lang iyon. Halos umikot ang paningin ng dalaga dahil sa kawalan ng tulog at ng kain. Sasampung piso na lang ang natitira sa bulsa niya. 'Ni hindi sapat para maikain man lang ng kanin na may kasamang ulam. Nang muli niyang tingnan ang kanyang cellphone ay parang gustong maiyak ng dalaga. Nagte-text na sa kaniya ang mga pinagkaakutangan ng ama niya. Sabay-sabay. Hindi na niya tiningnan ang mga iyon dahil naglalaro na sa isip niya ang mga mababasa niya. Nanlulumo na napaupo na lang siya sa hallway ng ospital. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaidlip dahil pagmulat ng mga mata niya ay wala nang katao-tao sa hallway. Umeere na ang panggabing balita sa telebisyon sa may nurse's station. Mabilis na napatayo si Rian. Sa pag-ikot niya ay dibdib agad ng isang lalaking nakasuot ng amerikana ang unang bumungad sa kanya. Napaatras ang dalaga, kumakabog ang dibdib. Isang lalaki iyon na sa tantiya niya ay nasa edad singkwenta na. Nginitian siya nito. "Miss Rian Vera Cruz?" "Ano pong kailangan ninyo sa akin?" taka at may pagkaalarma na tanong niya. Naririnig at nararamdaman niya ang mahinang pagba-vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa ngunit hindin niya iyon pinansin. "I guess you better check your phone first, Miss Cruz." Nagtataka man ay sinunod niya ito. Nanlaki ang mga mata ni Rian nang isa-isa niyang basahin ang mga mensaheng ipinadala sa kanya ng mga pinagkakautangan ng kanyang ama. "Paanong—" "Is there any problem, Miss Cruz?" "May... May nagbayad ng mga utang ko..." mahinang usal niya. Nananaginip ba ako? Mariin na kinurot ng dalaga ang braso niya. Agad siyang napa-igik sa kirot na idinulot niyon. Naglandas ang tingin niya sa kaharap. Bakit... "Come with me, Miss Cruz. There is someone waiting for you." "H-ho?" "May gustong kumausap sa'yo. Don't worry, hindi ka naman niya sasaktan. You can trust us," mahinahong sabi nito. "I'm Claude." Wala nang ibang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod dito. Nagpunta sila sa may parking lot at huminto ang kasama niya sa tapat ng isang mamahaling itim na kotse. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa may back seat bago ito sumakay sa driver's seat at nag-umpisang magmaneho. Kakabog-kabog ang dibdib ni Rian. Hindi niya malaman kung tama ba na nagtiwala siya rito. Napatingin siya sa pinto ng sasakyan. Naka-lock iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili niya. Napatingin siya sa labas ng bintana. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang tinatahak nilang daan. Pamilyar na pamilyar iyon sa kanya. Hindi pa nga nagtagal ay huminto ang sasakyan sa tapat ng inuupahang apartment ng dalaga. Hindi sila pinansin ni Aling Susan na abala sa pagbibilang ng pera sa opisina nito. Halos hindi na siya makahinga nang makarating sila sa tapat ng inuupahan niyang apartment. Nangnginginig ang mga kamay na pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto. Ang pamilyar na bulto ng lalaking nakaupo sa lumang sofa sa loob ng salas ng kanilang apartment ang unang nahagip ng mga mata ni Rian. Pakiramdam niya ay nalaglag ang puso niya nang lumingon ito sa kanya. Ang guwapong mukha ni Liam Hayes Astoria ang bumati sa kanya. Nginitian siya nito. "Hello, Miss Cruz." "Ikaw ang..." Tumikhim ito. "Hindi mo ba ako aalukin na magkape?" Nanginginig man ang mga tuhod ay mabilis na tumalima si Rian. Nagtungo siya sa kusina. Buti nalang ay may natira pang kape na kakasya para sa kanilang tatlo ng kasama nito. Paglabas niya bitbit ang umuusok na mga baso ng kape ay prente ang pagkakaupo ni Liam sa sofa habang pinag-aaralan ang istruktura ng kanilang apartment. Inilapag niya ang baso sa harap nito at kay Claude. Pagkatapos ay bumalik siya sa kusina. Ilang ulit na pinakalma na dalaga ang sarili. Nang masiguro na kalmado na ang kanyang dibdib ay tsaka siya lumabas para harapin ang bisita. Tahimik lamang ito habang umiinom ng kape. Nakapagtataka na hindi nito alintana na instant coffee lang ang itinimpla niya. Mayamaya ay sinenyasan nito ang kasama. Tumayo si Claude. Naglakad ito palabas ng pinto, at iniwan siya kasama ang lalaki. Nakabibinging katahimikan. 'Yon ang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya mawari kung siya ba ang mauunang magsalita o ang kasama niya. "How's your sister, Rian?" Napalunok siya. "Bakit niyo binayaran ang mga utang ko?" "That's not an answer," kaswal na sagot nito. "Bakit niyo binayaran ang utang ko, Sir? Hindi naman po ako nanghihingi ng tulong." Nagkibit-balikat ang lalaki. "Let's say, I'm a good samaritan." "Babayaran ko po kayo, Sir. Pangako," may halong lambot na sabi niya. Sinulyapan siya nito. "May five million pesos ka na ba? If you're going to pay me, pay me now." Napalunok siya ulit. "W-wala p-pa akong gano'n kalaking halaga, Sir. Huhulog-hulugan ko nalang po sa inyo, kahit tubuan niyo pa, Sir..." "Arabo ako, hindi ako bumbay. Ayoko ng 5'6." "Hindi naman ako nakikipagbiruan, Sir, e." Mahina itong tumawa. "Me neither." Muling nalunod sa katahimikan ang silid. Walang umiimik sa kanilang dalawa. Pakiramdam ni Rian ay sinusukat nito ang pagkatao niya. Kung hanggang kailan siya magmamatigas. "Tungkol sa alok niyo, Sir..." Ang mga mata ni Liam ang nakapagpatigil sa dalaga. Alam niya na sa mga oras na iyon ay wala nang lugar ang pride niya. Hindi niya alam kung anong kayang gawin ng kaharap niya sa kanya. Panigurado na hindi ito magtatapon lang ng limang milyong piso. "What about it?" "Ano po..." nahihiyang sabi niya. "Available pa po ba ang alok niyo?" Mahina itong tumawa. "Of course." "Tinatanggap ko na ang alok niyo, Sir," puno ng determinasyon na sabi niya. Hindi umimik ang kausap niya. Mataman lang siyang tiningnan nito. Tila hinihintay kung nagbibiro lang ba siya. Ngunit naging matigas si Rian sa sagot niya. Kailangan niyang gawin iyon. Para sa mga kapatid niya. "Sigurado ka, Miss Cruz? I thought you said you're not interested." Nag-iwas siya ng tingin. "Wala naman na akong ibang maiaalok sa inyo, Sir. 'Di ba, 'yon ang sabi niyo?" Hindi ito umimik. Bagkus ay sumandal ito sa sofa. "Seryoso ako, Sir. Payag na ako." "Sigurado ka? Hindi ako namimilit," sabi nito. Hindi na nakaimik ang dalaga. Luha na ang sumagot sa tanong ng lalaki. Sandaling tumayo ang dalaga at lumayo. Itinago ang mga mata niya na pihado niya ay maga na sa luha. Hindi umiimik ang kausap. Mataman lang siyang tiningnan nito habang heto siya at pinag-iisipan ang sagot niya. Nang bumalik siya sa kinauupuan niya ay nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. May kung anong emosyong nakapinta sa mukha nito. Hinihintay ang sagot niya. Paulit-ulit siyang napalunok bago magsalita ulit. "Sigurado na ako, Sir," mayamaya ay sagot niya. "Hindi na ako aatras." Nagpakawala ito nang malalim na buntong-hininga. " Well then. Good choice, Miss Cruz." Tinawag nito ang kasama. Mayamaya ay pumasok si Claude sa loob ng apartment, may bitbit na mga paper bag. Kinuha iyon ni Liam, at inilapag sa harap niya. "Meet me tomorrow night. 10 PM. Astoria Hotel, sabihin mo bisita ka ni Mr. Astoria. Wear these. I'll be discussing with you the terms of our agreement." Ngumiti ito. "Huwag kang mag-alala, may oras pa para magbago ang isip mo at humanap ng limang milyon." Walang anu-ano ay tumayo ito at naglakad palabas ng apartment. Nanatiling nakapako ang tingin niya sa mga paper bag na iniwan nito sa lamesa. At sa mga detalyeng iniwan nito. Hindi mapigilan ni Rian na hindi mangamba sa pinasok niya. Hindi niya kilala ang bago niyang amo at ibabahay pa siya nito. Paano kung iba pala ang tunay na ugali nito? Kakayanin niya kaya ang trabahong iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD