Walang lakas si Rian para bumangon noong umagang iyon. Parang sinisilaban ang katawan niya at ang tanging gusto niya lang gawin ay matulog. Ilang araw na ring mabigat ang pakiramdam niya ngunit ngayon lang iyon tumindi. Napalingon siya sa pinto ng kanyang kuwarto nang biglang bumukas iyon at iniluwa si Liam na nakabihis na ng suit. "Kitten, why are you still on your bed? You got classes today," tanong nito. Lumapit ito sa kanya nang napansin nito na balot na balot siya sa kumot at sinalat ang kanyang noo. "Goddamnit, you're burning with fever! Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" "Hindi ko na kayang bumangon, e. Sige na, pumasok ka na. Kaya ko na sarili ko." Mahina itong napamura. Pagkatapos ay tumayo at kumuha ng tuwalya mula sa mga drawer niya. Binasa ito ni Liam at binalikan siya. "

