(POV ni Celine) Kung dati, kapag papasok ako sa opisina, ang pinoproblema ko lang ay kung may enough na tinta pa ang ballpen ko o kung hindi ba ako malelate sa elevator. Pero ngayon? Aba, parang biglang nagiging runway ang hallway at may invisible spotlight na nakatutok sa akin. Ang mas nakaka-stress? Yung mga mata ng mga empleyado na parang naka-HD zoom sa bawat galaw ko. At bakit? Dahil sa obvious na reason: CEO Lance Zamora. Kung tutuusin, wala namang official announcement. Walang press release. Wala ring HR memo na nagsasabing, “Attention employees: our boss may or may not be head over heels for our project head.” Pero somehow, nararamdaman ko sa hangin. Pagbukas pa lang ng pinto ng main office, sabay-sabay ang pagtaas ng mga ulo. May mabilis na bulungan, may nakangiting parang kin

