(Celine’s POV) Bumuhos ang ulan parang soundtrack ng isang dramatic na pelikula habang papunta ako sa opisina kinabukasan. Malamig ang hangin, pero mas malamig pa rin ang vibe sa loob ko—kahapon lang, pagkatapos ng big reveal ng bagong proyekto, naramdaman ko na parang may bumabalot na panibagong tensyon sa paligid. Kahit nakangiti ang lahat, ramdam kong may mga bulong-bulungan na nagsisimula na naman. Pagpasok ko sa lobby, sinalubong ako ng receptionist na si Ana na parang may alam. “Grabe, Celine, ang fresh mo kahit umuulan. Bagay sa’yo yung bagong hairstyle. Pero… girl, may kumakalat na naman daw na tsismis sa rival firm. Parang may nagsasabing may Zamora insider na nagpa-feed ng info.” Napasinghap ako at kinagat ang labi ko. Hindi na naman. Lord, not again. Pinilit kong ngumiti. “

