Pagkatapos ng mahabang tawanan at cinnamon roll bonding nila sa café, nagpasya si Celeste na umuwi na muna para makapagpahinga. “Ay, kayo na muna mag-enjoy. Ako, may appointment pa ako sa spa,” sabi niya habang kumikindat kay Celine. “Lance, ikaw na bahala kay Celine, ha?” Parang nanlamig ang batok ni Lance, at namula si Celine. “Mom, sobra ka…wag OA” mahina niyang bulong, pero wala na, nakatakas na si Celeste. Naiwan silang dalawa, awkward at parehong nag-iwasan ng tingin. “Uh… so,” bungad ni Lance habang naglalaro ang daliri niya sa mug, “gusto mo bang umikot muna bago umuwi?” Hindi na nagtanong si Celine; tumango lang siya. Kaya naglakad sila palabas ng café, dumiretso sa mall at sumubok ng window shopping. Pero habang naglalakad, napansin ni Lance na parang may iba sa paligid—medyo

