Hindi ko alam kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon. Dapat professional lang. Dapat hindi kami mapapahiya sa harap ng buong kumpanya. At higit sa lahat—dapat wala nang maulit sa kung anuman ang nangyari sa isang gabing iyon. Pero heto kami ngayon, nakatayo sa lobby ng isang hotel at parehong nakakunot-noo habang ina-announce ng receptionist ang pinakaayaw kong marinig. “Ma’am, sir, pasensya na po talaga. We only have one room left. Fully booked na po lahat because of the convention.” Parang biglang huminto ang mundo ko. “One… room?” ulit ko, baka sakaling nagkamali lang ako ng rinig. “Yes, Ma’am. Deluxe suite. Malaki naman po ang kama,” nakangiting sabi ng receptionist na parang hindi niya alam na para siyang naglalaglag ng granada sa buhay ko. “Ha? Wait, what? No, no, no.” U

