Ang init ng araw pero mas mainit ang ulo ni Celine habang nakapila siya sa isang sikat na coffee shop malapit sa opisina. Kagabi pa rin kasi ang laman ng utak niya—o mas tama, siya.
Si Lance.
Ang college TOTGA niyang nagparamdam sa kanya ng pinakanakakahiya at pinaka-WTF na gabi sa buong buhay niya.
She was supposed to forget everything, kasi technically, isang malaking aksidente ‘yon na dulot ng kombinasyon ng tequila, old grudges, at… hormones. Pero bakit habang tumatagal, mas dumadami yung flashbacks na hindi naman niya hiningi?
"Focus, Celine, focus. Cappuccino lang ang sadya mo, hindi lalaking may dimples."
"Miss, next na po!" sigaw ng barista, na halos ikabitaw ni Celine ng phone niya.
"Ah—yeah, caramel macchiato, tall lang please—"
Pero bago pa niya matapos ang order, may isang lalaking lumapit sa counter. Matangkad. Malinis ang gupit. Amoy mamahaling pabango.
And oh God. Dimples.
"One black coffee. Grande," sabi ng lalaki—na parang walang pakialam kung may nauuna.
Celine’s blood boiled.
"Excuse me, may pila," sabat niya, sabay irap.
At doon siya tuluyang napatulala.
It was him.
Lance-freaking- Zamora.
Naka-long sleeves, naka-tuck in, at mukhang mas mayaman at mas gwapo kesa noong college.
At mas nakakainis.
"Celine?" May halo pa ring pagkagulat sa boses niya pero may ngiti rin. "Wow… small world."
"Small world? More like cursed universe!" sigaw ng utak ni Celine.
"Hindi ako wow, at hindi rin ako small world," balik niya, sabay talikod para magbayad. Pero in fairness, medyo nanginginig yung kamay niya.
"Still feisty," bulong ni Lance habang kinuha ang coffee niya. "By the way, about last night—"
"Shhh! Don’t you dare talk about that here!"
Mabilis siyang lumapit at hinila ito palayo sa counter. Ang daming tao. Ayaw niyang maging breaking news sa opisina na may accidental one-night stand reunion siya sa ex-almost niya.
Pero siyempre, si Lance, parang walang pakialam.
"Relax, Celine. I’m not here to make a scene. I just… thought maybe we could—"
"No."
"—talk—"
"No."
"—about what happened—"
"Absolutely no."
Natawa lang si Lance, at imbes na umalis, tumabi pa sa kanya habang naglalakad palabas ng café.
"So… hindi ka ba mag-thank you sa paghatid ko sa’yo kagabi?"
"Hatid? As far as I remember, you kidnapped me in your car kasi lasing na lasing ako."
"Correction—rescued. May lasing na gustong sumayaw sa’yo na parang t****k gone wrong."
Napapikit si Celine. Ayaw niyang aminin pero medyo thankful siya. Pero syempre, pride first.
"Whatever. That’s still not an excuse para… you know."
Ngumiti si Lance. Yung ngiting alam niyang delikado kasi yun yung ngiti nito nung college kapag nanalo ito sa debate nila.
"Para saan? Na maging the best first time of your life?"
Muntik na siyang masamid sa sariling laway.
"Lance Zamora, one more word and I swear I’ll—"
Pero bago niya matapos, isang kotse ang biglang huminto sa tapat nila. Bumababa ang bintana.
"Celine? Is this… your boyfriend?" tanong ng boses na kilala niya—at ayaw niyang makita.
It was Carlo. Her almost-something sa opisina. Yung tipong matagal nang nanliligaw pero never pa niyang binibigyan ng green light.
And Carlo’s eyes? Nakatingin diretso kay Lance.
Bago pa makasagot si Celine, inakbayan na siya ni Lance.
"Yes. And we’re actually on a date. Bye, bro."
At iniwan nila si Carlo na nakatulala habang hinihila ni Lance si Celine palayo.
"WHAT THE HELL WAS THAT?!"
"Saving your butt. Unless gusto mong magpaliwanag sa kanya kung bakit ka galing sa condo ko kagabi."
Napanganga si Celine. She hated that he had a point. She f****d up last night because - she can't barely remember how the hell from Pia's place she ended waking up in bed with Lance in his f*****g condo. The party last night brought her in big mess.
At sa gitna ng inis niya, hindi niya maiwasang mapansin… na ang t***k ng puso niya, parang hindi lang dahil sa kaba.