Tahimik ang gabi sa penthouse condo ni Lance. Mula sa mga floor-to-ceiling windows, tanaw niya ang makislap na ilaw ng Makati skyline, para bang mga bituin na bumaba sa lupa. Ngunit ang mga ilaw na iyon ay hindi kasing kumikislap ng iniwan niyang alaala kaninang hapon—ang ngiti ni Celine nang tanggapin niya ang award. Binuksan niya ang isang maliit na switch na nakatago sa gilid ng built-in bookshelf sa kanyang penthouse condo. Parang eksenang galing sa pelikula, bahagyang umusog ang shelf, nagbunyag ng isang pinto na hindi alam ng kahit sino—kahit ng mga kaibigan niya. Pagpasok niya, bumungad ang isang magarbong silid na may mapag anyayang amoy ng mga pintura at canvas. Ito ang kanyang hidden room—isang pribadong mundo kung saan natatanggal niya ang maskara ng pagiging CEO. Sa paligid,

