(Lance’s POV) Nakahawak ako sa isang tasa ng kapeng halos hindi na mainit habang nakatayo sa gilid ng boardroom. Kahapon lang, parang nagka-apoy ang buong kumpanya—ngayon, nananahimik pero may bagyong paparating. Ang confidential leak na ‘yon ay parang malaking butas sa barko. Alam kong marami pa ring nagdududa, at may mga bulong na baka may kinalaman si Celine. Sa totoo lang, nakakasira ng loob. Habang nagsisimula ang meeting, tumikhim si Armando. “We’ve tightened server security. Pero hanggang wala pang culprit, lahat tayo ay under scrutiny.” Walang nagsalita. Kita sa mga mata ng mga kasama ko ang pag-aalala—parang lahat may itinatagong lihim. Napatingin ako kay Celine sa dulo ng mesa. Ang buhok niya nakatali lang, walang makeup, pero para siyang sinag ng araw sa gitna ng ulap. Kita k

