(Lance POV) Tahimik ang buong penthouse nang gabi na iyon. Ang mga ilaw ng siyudad ay kumikislap sa malayo, tila mga bituin na nahulog sa lupa. Nakabukas ang bintana ng sala, at ang malamig na hangin ng Makati ay bahagyang pumapasok, ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit kumakabog nang mabilis ang dibdib ni Lance. May dala siyang isang baso ng tubig habang marahan siyang naglakad papunta sa isang pamilyar na pintuan—ang pintuang walang ibang nakakapasok kundi siya. Ang kanyang secret room. Pinindot niya ang maliit na switch na nakatago sa gilid ng built-in bookshelf at bahagyang umusog ang shelf. Nang lumantad muli ang secretong pinto sa kanyang kwarto ay dahan dahan niyang pinihit ang seradora nito, at nang bumukas ang pinto, sinalubong siya ng amoy ng pintura at ng mga canvas na na

