Maagang-maaga pa lang, halos wala pang 6:00 a.m., nanginginig na ang phone ni Celine sa ibabaw ng nightstand. Tulog pa dapat siya, lalo na’t naka-leave pa siya hanggang tanghali para magpahinga mula sa stress ng heritage project, pero ang kulit ng ringtone na pinili ni Lance—yung tunog ng cartoon na umiiyak. Celine (groggy): “Ano ba, Lance… six pa lang ng umaga. May sunog ba sa opisina?” Lance (overly cheerful): “Sunog sa puso ko kapag hindi kita nakikita.” May narinig si Celine na honk ng kotse sa background. “Bumangon ka na, baba ka ng condo mo sa loob ng fifteen minutes. Magdala ka ng jacket mo.” Celine: “Ano? Friday ngayon. May meeting tayo ng 9:30!” Lance: “Cancelled. Ako ang nag-cancel. Naka-leave ka hanggang tanghali, ‘di ba? Ako na bahala sa buong araw. Trust me—architectural e

