Ang mall café na pinili ni Celeste ay parang isang maliit na paraiso para sa mga mahilig sa tinapay—amoy pa lang ng bagong hurno, nakaka-hypnotize na. Pagkapasok nila ni Celine, agad silang sinalubong ng matamis na aroma ng cinnamon at kape. “Ayan, Celine! Amoy pa lang, parang niyayakap na tayo ng langit,” sabi ni Celeste habang humihila ng upuan, tuwang-tuwa. Umorder sila ng cinnamon rolls, caramel lattes, at kung anu-anong pastries na halos hindi nila kaya ubusin. At habang hinihintay nila ang orders, biglang tumawa si Celeste out of nowhere, yung tipong tawang may baong kwento. “Naalala mo ba yung olive oil battle disaster sa supermarket noon?” Napahinto si Celine sa pag-scroll sa phone at napatingin sa kanya. “Tita, huwag n’yo ngang i-remind—baka hindi ko na kayanin.” Pero hindi n

