(Lance’s POV) Maaga pa lang, ramdam ko na ang tensyon sa buong opisina. Pagpasok ko sa building, tila lahat ng empleyado ay nagmamadali—may mga nagbubulungan, may mga mukhang nagpa-panic. Pag-akyat ko sa floor namin, sinalubong agad ako ni RJ, ang project manager. “Sir Lance,” halos hingal niyang sabi, “we’ve got a serious problem sa Southridge Residences project. Bumagsak ang drainage system test. Kung hindi natin maayos agad, puwedeng bumagsak ang kontrata at may malaking penalty.” Agad kong tinungo ang conference room. Nando’n na ang buong core team, kasama si Celine. May mga blueprint at graph na nakakalat sa mesa, at nagsasalita nang sabay-sabay ang lahat, nagsisihan, nagtuturoan. “Enough!” malakas pero kontrolado kong sabi. “Stop blaming each other. Focus on the solution.” Tahim

