(Celine's POV) "Finally.! " hiyaw ko paggising kong Saturday morning. Ang sarap ng inat ko while I'm yawning. Weekend Walang meeting, walang deadlines, walang Lance na nakaka-stress at nakaka-kilig sa parehong paraan. Plan ko? Binge-watch k-drama, kumain ng instant ramen, at magpaka-hermit sa condo. Feel ko talagang humilata,magrelax at maghybernate. Naka-pajama shorts at oversized shirt ako, buhok ko naka messy bun na parang may sariling buhay. Habang nanonood ako sa couch,st lumalatak ng cheeze curls narinig ko ang doorbell. Ding-dong. Who the heck visits on a Saturday? Wala akong inaasahan. Pagbukas ko ng pinto— Lance. Nakatayo siya doon, naka casual hoodie at joggers, at may bitbit na isang kahon ng pizza, dalawang box ng donuts, chicken wings sa isang malaking paper bag, at ap

