CHAPTER 7

1351 Words
Nasa opisina si Alex at Bianca. They’re currently discussing about work when Gretchen came in. “Hi Hon. Hi Bianca! Sorry pumasok na ako. Wala kasi si Bianca sa desk niya when I arrived.” Nasaktan si Bianca ng narinig niya ang tawag ni Gretchen kay Alex. “What are you doing here?” Walang emsoyong tanong ni Alex sa kanya. “Well… I happen to stop by a French bakery near here. It was recommended by a friend so I checked it out. Naisip kong dalhan kayo.” “Busog pa naman kami. Sana hindi ka nagabala.” Bianca looked at Gretchen. Hurt is visible in her eyes. Kahit na magkaribal sila nakaramdam pa rin siya ng awa sa kanya. “Well… Iiwan ko nalang ito dito. I also bought something for Bianca ang Paolo. Here.” Inabot ni Gretchen ang isang paper bag na may lamang pastries kay Bianca. Nahihiya siyang tanggapin ito so she declined at first. “Ma’am ‘wag na po. Nakakahiya.” “Sige na. I hope your boyfriend likes sweet stuff.” Nainis si Alex ng narinig ang sinabi ni Gretchen. Ilang beses na kasi niyang sinabing walang relasyon si Paolo at Bianca pero pilit pa rin sila ng pilit. “I told you already. Hindi sila.” Gretchen looked at Bianca. “Is it true? Hindi ba talaga kayo ni Paolo?” “Hindi po. He’s the twin brother of my best friend kaya close po kami.” “Nako. Sayang naman. Bagay na bagay pa naman kayo.” “May… boyfriend na po ako Ma’am.” “Oh! Yes. Sinabi nga pala sa amin ni Alex ‘yon the other day. So employee din siya dito?” “Uhm… Opo.” Alex smiled upon hearing Bianca’s answer. “Really? Sa anong department?” Hindi nakasagot si Bianca sa tanong ni Gretchen kaya si Alex ang sumagot para sa kanya. “Bianca’s busy so let her do her job we have deadlines to meet.” Lalabas na sana si Bianca sa opisina ni Alex ng biglang kumatok si Paolo. “Sir. It’s Paolo, can I come in?” “Pasok.” Pumasok si Paolo sa opisina ni Alex kasama ang isa pa sa mga engineer ng CDC. Pag pasok ng dalawang lalaki saka naman lumabas si Bianca para bumalik sa desk niya. “Ryan, Paolo, what brings you here?” “Sir may kailangan lang po kaming ipa-approve sa inyo. May mga changes po kasi kaming gagawin sa isang area ng building.” Hindi na nagdalawang-isip pa si Alex at agad na hiningi ang approval letter mula kay Paolo. “Akin na.” Inabot ni Paolo sa kanya ang isang papel at brown envelope. Alex didn’t bother looking at the changes. He just instantly signed the letter. “You didn’t check the changes Sir.” “I know. Why would I? Alam mo naman ang trabaho mo and you know what’s best for our building. I trust you.” Tumango si Paolo. “Sige po. Salamat.” “Welcome. You can now leave.” Tumango ang dalawang engineer at agad na nagpaalam kay Alex at sa fiancée nito. BIANCA is reviewing some documents when Paolo came over her desk and called her attentions. “EHEM!” “Oh. Paolo. Bakit?” “Hanggang lunch time pa ako dito? May hinihintay kasi akong documents sa planning department niyo.” “Okay. SO?” “So… baka pwede mo akong samahang mananghalian?” “Busy ako.” “Hanggang lunch busy ka?” Sasagot na sana si Bianca ng biglang lumabas si Aelx at Gretchen mula sa opisina nito. “Miss Sandoval, I am going out for lunch.” Bianca’s heart broke when she heard Alex. Sayang ang pagkaing niluto niya para sa kanilang dalawa. Maaga pa naman siyang nagising kanina para lang ipagluto si Alex. “Okay po Sir.” Tumango si Alex. He was about to leave when he heard Paolo whispered. “Since your boss is out pwede na ba tayong sabay kumain?” “Sige. Kita nalang tayo mamayang lunch.” “Anong oras kita susunduin dito?” Alex was not able to handle his emotions well. Nadala siya sa selos kaya napagalitan niya si Bianca. “Lunch time na ba? Are now on break Miss Sandoval?!” Nagulat si Bianca sa ginawa ni Alex. This is the first time that he ever shouted at her. Dati kahit nagkakamali siya sa mga documents na pinapagawa sa kanya ni Alex hindi ito nagagalit sa kanya. “Hindi pa po Sir.” “Oh! Ayon naman pala e. So anong ginagaw niyo?!” “Sorry po Sir.” Hinarangan ni Paolo si Bianca sa harap ni Alex. “Sir kasalanan ko po. Kinukulit ko si Bianca sa oras ng trabaho niya. Ako po ang may mali.” “Don’t act superman here Paolo. Parehas kayong mali dito.” Tumango si Paolo at humingi ulit ng paumahin kay Alex. He then turned around to Bianca. “B. Balik nalang ako mamaya para sunduin ka.” Tumango si Bianca bilang sagot. Halos sumabog na sa galit si Alex lalo na ng narinig niya ang tinawag ni Paolo kay Bianca. As days goes by parang mas lalo ng nagpapakita si Paolo ng interest niya kay Bianca. He’s making sure that his motive is seen by others. Mas lalong nagaalala si Alex dahil sa mga nangyayari. His relationship with his girlfriend is a little rocky at hindi malabong ma-fall siya sa iba. Lalo na’t maalaga at maalalahanin si Paolo sa kanya. NAKASAKAY na si Alex at Gretchen sa kotse. They’re about to go to a restaurant near Alex’s office. “Hon… Are you okay?” “Can you please stop calling me that?” “Why? You don’t like it? Wala kasi tayong tawagan kaya naisipan kong Hon nalang ang itawag sayo.” “I don’t like it.” “Then what do you want me to call you? Love? Mahal? Babe?” “WALA! Just call me Alex!” PAOLO AND BIANCA enjoyed their lunch. Nausbos nila ang pagkaing niluto ni Bianca para sana kay Alex. Kung wala si Paolo malamang hindi naubos ang pagkain at napunta lang ito sa basura. “So paano? Alis na ako?” Nagpaalam na si Paolo kay Bianca. Kailangan na kasi niyang bumalik sa site para tapusin ang mga naiwan niyang trabaho. “Sige go na. Baka kanina ka pa nila hinahanap. Ingat ka sa daan.” “Naks naman! Parang girlfriend ka naman kung mag bilin. Sana araw-araw ganito.” “Sira! Sige na! Bumalik ka na sa site. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa trabaho e.” “Sige. So… paano? Kita nalang tayo mamayang hapon?” “HA? Bakit anong meron?” “Nakalimutan mo na ba? Friday na kaya ngayon!” “HALA! Friday na ba ngayon?!” Natawa si Paolo. “Oo! Birthday na ni Mommy. So sunduin kita mamaya?” Sasagot na sana si Bianca ng biglang dumating si Alex at ito ang sumagot para sa kanya. “Hindi siya makakapunta sa birthday ng Mommy niyo mamaya.” “Bakit po Sir?” “Marami kasi kaming kailangang tapusin. May mga backlogs kami and we need to work double time para hindi kami matambakan.” Hinarap ni Paolo si Bianca pagkatapos marinig ang paliwanag ni Alex. “Okay lang B. Hihitayin kita kahit na anong oras ka pa matapos. Kahit hating gabi na. Ang importante pumunta ka. Magtatampos si Mommy kapag wala ka. Nasanay na kasi siyang every year present ka. Hahanapin ka sa amin ‘nun mamaya.” “Hindi na Pao. Pakisabi nalang sa Mommy niyo na marami akong tinatapos na trabaho ngayon sa opisina. Babawi nalang ako sa kanya next time.” “Hindi pwede. Basta susunduin kita. Nasa lobby na ako mamayang 5PM. Bumaba ka nalang kapag natapos kayo.” “Paolo…” “Ah ‘wag ka ng magdahilan. I won’t accept it. Basta pupunta ka. Tapos ang usapan.” Hindi na hinintay ni Paolo ang sagot ni Bianca. Mabilis siyang nagpaalam kay Alex and went off. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD