CHAPTER 10

1140 Words
NARATING ni Bianca at Alex ang lobby ng condo kung saan nakatira si Bianca. Ito ang condo na binili ni Alex para sa kanila. This is their own little hideout where they can love each other freely. Para silang mag-asawa everytime they’re here. This is their happy place. “Sa condo ka ba matutulog ngayon?” “Hindi love e. Ihahatid lang kita.” “Okay. Kung ganun then aakyat na ako.” “Gusto mo bang ihattid kita sa taas?” “Hindi na. Okay lang ako.” Hinawakan ni Alex ang kamay ni Bianca bago pa ito makalabas ng sasakyan. “Love sige na. Hatid na kita.” Bianca looked at him. “Anong nangyari sa paguusap niyo ngayong gabi? Nasabi mo na ba sa mga magulang mo ang tungkol sa atin?” Tumango si Alex. “Yes. I tried telling them.” “And?” Alex looked at Bianca. Sa mga mata palang nito alam na niya ang sagot sa tanong niya. “Hindi sila pumayag?” “Love… Sorry. I tried.” Tumango si Bianca at huminga ng malalim. Para bang nawawalan na siya nag pag-asa. “So what now?” “Can you give me more time? Gagawan ko ng paraan love.” “Gusto mo ba tulungan kitang gawan ng paraan ‘to?” Alex felt nervous. He had a feeling that Bianca’s going to give up on him. “Anong nasa isip mo?” “Bakit hindi nalang natin bitwaan ang isa’t-isa?” He knew that she’s going to say that. He had a feeling that Bianca’s planning to break up with him. “NOW? Ngayon pa na magkakaanak na tayo?” “Kaya ko namang buhayin ang bata kahit ako lang.” Nahampas na malakas ni Alex ang manebala ng sasakayan ng narinig niya ang sinabi ni Bianca. “At ako? Kaya ko ba na wala kayo? Bakit mo kukunin sa akin ang karapatan ko sa anak ko?” Bianca tears started to fall from her eyes. “What’s the point Alex? Wala na tayong magagawa. Your marriage has been decided.” “Kaya nga nakikusap ako sayo. Hintayin mo naman hanggang sa magawan ko ng paraan lahat ng ‘to.” “Hanggang kailan?” Hinawakan ni Alex ang mga kamay ni Bianca. “Love I am doing the best that I can para sayo at sa magiging anak natin. Please ‘wag mo naman akong ipitin.” “Hindi kita iniipit. Pero nahihirapan na rin ako Alex.” “Alam ko. Ako din naman e. Hindi lang ikaw.” “Ewan ko Alex. Things are too complicated.” “I know. But please endure all of this for now. I promise, matatapos din lahat ng ‘to.” “Pangako?” “Pangako love.” Hinawakan ni Alex ang tiyan ni Bianca at kinausap ang anak niyang nasa sinapupunan palang ng nobya. “Anak… lahat gagawin ni Daddy para sayo at sa Mommy mo kaya steady ka lang diyan. Pangako pag labas mo maayos na ang lahat.” UMUWI si Alex sa mansyon nila pagkatapos niyang ihatid si Bianca sa condo nito. He plans to talk to his Mom tomorrow morning para humingi ng tulong. Ang mommy nalang niya ang pag-asa niya para hindi matuloy ang kasal niya kay Gretchen. “Saan ka galing?” Nagulat si Alex ng nakitang gising pa ang Mommy niya. Umiinom ito ng sa mini bar nila. “Mom. Bakit gising pa po kayo?” “I am waiting for you.” “Bakit po?” “I want to talk to you about what happen after dinner.” “I want to talk to you about that too.” Tumango ang Mommy niya. “You went to see Bianca, didn’t you?” Nagulat si Alex ng narinig ang sinabi ng ina. Hindi niya alam paano nalaman ng Mommy niya ang tungkol sa relasyon nila ni Bianca. Si Lance at Nicole lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa kanila. SI GRETCHEN! Naalala niyang nakita pala sila ni Gretchen sa opisina. “Who told you about her?” “Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman ang tungkol sa inyo. We have more important matters to discuss.” “What important matters?” “Bianca’s pregnant isn’t she?” So it’s not Gretchen. Hindi siya ang nagsabi sa Mommy ni Alex tungkol sa kanila ni Bianca. His Mom probably hired someone to watch over them. “Yes she is.” “Okay. Now here’s the plan. I’ll talk to Paolo Ledesma para panagutan si Bianca.” “WHAT?! NO!” “He obviously likes Bianca kaya sigurado akong aakuin niya ang bata.” “I KNOW! Pero hindi ako papayag! Anak ko ‘yon ma!” “Kaya nga mas mabuti na itong paraang gagawin ko!” “Mas mabuti?! It’s my baby! Bakit ko ibibigay sa iba ang anak ko?!” Tumango ang Mommy niya. “Okay. Then wait until your Dad finds out about this.” Alam ni Alex na mas malaking problema kapag ang Daddy na niya ang nakaalam ng tungkol sa kanila ni Bianca. He will show no mercy at baka kung ano pa ang gawin niya kay Bianca at sa bata. “Mom. Can’t you just help me?” “Help you? This is me helping you Alex! Alam mo namang hindi natin kaya ang Daddy mo. So habang maaga pa pakawalan mo na si Bianca.” “Mom… I can’t leave without her.” “Pero mapapahamak siya pati na rin ang pamilya niya at ang anak niyo kapag tinuloy mo ‘to.” “Itatago ko po siya.” “Itatago? Saan mo ba siya pwedeng itago na hindi malalaman ng Daddy mo?” “There must be a way. May paraan po.” “Cut the crap Alex! Sundin mo ako. Pakawalan mo si Bianca. Hayaan mo siyang mabuhay ng mapayapa.” “And what about me?” “This is a sacrifice you needed to do para sa kanya at sa anak mo.” Umiling si Alex. Hindi siya papayag sa gusto ng Mommy niya. Ipaglalaban niya si Bianca kahit na anong mangyari. “Hindi ko po gagawin.” “Ikaw ang bahala. Pero isipin mo ng mabuti. Hindi ka makakatakas sa kasal niyo ni Gretchen. Your Dad will not let you. Kapag kinasal ka na it’ll make Bianca your mistress. If that happens sino ang lalabas na masama? Sigurado ka bang kaya ni Bianca ang mga mangyayari sa kanya? All the judgements and hate Alex. Mag isip ka!” “Gagawan ko po ng paraan ma. Hindi po ako nawawalan ng pag-asa. Baka sakaling may magawa pa ako.” “Wag mo ng hintayin na may mangyari pang masama sa kanya at sa anak mo bago mo sila pakawalan. You still have time Alex.” ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD