(Ang Pagtakas) “Kailangan ko maka-isip ng paraan. Dapat makaalis na agad ako rito nang hindi nila namamalayan,” usal ni Yrris sa kaniyang sarili. Hindi niya namalayang nasa tabi niya na si Zee at pinagmamasdan lang ito. Nakasukbit balikat at magkasalubong ang mga kilay. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Zee. Napaangat ng tingin si Yrris. “Wala nagpapahangin lang,” pag-iwas nito ng salita. Hindi mabatid ni Zee ang nasasaloob. May inis itong nararamdaman kay Yrris sapagkat akala niya ay niluluko niya lamang si Kyle at pinapaasa. “Si-sige, baka kailangan ako ni Professor sa loob,” sambit nito habang nakayuko. Hinayaan na lamang siya ni Zee at sinundan na lamang siya ng tingin nito. Walang lakas ng loob sabihin ni Yrris ang maaaring mangyari sa kaniya sapagkat ayaw niyang mag-alala ang mga

