(Samurai Girl) Naghiwalay nang daang tinatahak sina Kyle at Krishmar. Sumama naman si Marcial kay Krishmar tulad ng kanilang napag-usapan. Agad na tinungo nina Kyle at ang kuya nito sa lagayan ng mga pagkain upang mabilis silang makauwi sa University. Wala silang inaksayang oras at mabilis na kumuha ng kanilang magagamit at kakailanganin. Samantala, sa kabilang banda naman ay makikitang halos hindi na lumalayo si Marcial kay Krishmar. Hinahayaan lamang ni Marcial si Krishmar sa pagkuha ng mga inumin. “Ano ba Marcial, umayos ka nga, mabuti kayang tulungan mo na lang akong kumuha ng mga inumin dito para makabalik na tayo sa Zucchini,” may halong inis na saambit ni Krishmar kay Marcial. “Natatakot ako eh, baka bigla na lang may zombie,” sagot nito. “VIP room ito, walang nagpupunta rito

