(Muling Paglalakbay) “Tulog pa rin si Wang hanggang ngayon, hayaan na muna natin siyang makapagpahinga,” bungad ni Jepoy sa lahat na bumasag sa katahimikan ng lugar. Nakapalibot sila sa isang lamesa at tulala silang lahat sa hanggin. Mabilis naman silang nakahanap ng kanilang malilipan. Simula ng may maganap na hindi nila inaasahan. Si Krishmar lang ay tila hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nagawa, hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Mabuti na lamang at katabi niya sina Rea at Jinx. Pinapakalma nila ito. Pinipilit kausapan na hindi niya kasalanan ang pagkamatay ng kanilang dalawang kasamahan. Simula nang araw na iyon ay mabilis din nilang dinala si Wang sa loob ng kwarto upang makapagpahinga na muna. Nawalan kasi ito ng malay at magdadapit hapon na ay hindi pa rin ito nagigising.

