Chapter • Sixteen CHLEO'S POV Hilot-hilot ang aking sintido, napasandal ako sa back rest ng swivel chair na kinauupuan ko. I am in no place to represent my brother in the council meeting but I no longer have a choice. Dalawang linggo na siyang hindi makita. Ni walang makapagsabi kung nasaan ba talaga siya o kung saan ba siya nagpunta. Grant and some deltas have been searching for him for days. Bilang Beta, si Grant ang dapat na humarap sa council ngayon pero dahil maging siya ay wala, ako lamang ang pwedeng pansamantalang pumalit...kahit pa walang karapatan ang babaeng gaya ko na maging parte ng council, regardless of the family I came from. "Three days from now, full moon na. Ngayon pa hindi mahagilap ang Alpha." bakas ang iritasyon at pagkadismayang sabi ng pinaka-head ng council.

