Chapter • Thirteen Matapos kong magpaalam kay Markus ay halos patakbo kaming pumunta ni Layco sa sasakyan niya. Pagpasok ng sasakyan ay kaagad kong ikinabit ang seatbelt ko. Ganoon din naman ang ginawa niya bago tuluyang pinaandar ang makina. Bago niya ibwinelta ang kotse ay sumulyap muna siya sa akin. "Hold on tight. Bibilisan ko ang pagpapatakbo." seryoso niyang sabi. Tumango na lamang ako saka malalim na huminga. Napasinghap ako nang magsimula na ang sasakyan. Biglang gumapang ang kaba ko nang makitang tumatakbo kami ng halos 90KPH. Maswerte kami at wala nang mga sasakyan dahil disoras na ng gabi. Paglabas namin ng Astrid ay lalo pang tumulin ang kanyang pagpapatakbo. Mula sa 90KPH ay tuluyang naging 120KPH ang takbo ng sasakyan. Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt ko. Ni minsa

