Antok na antok si Zairah habang binubuklat niya ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang table. Nasa opisina siya at isang linggo na siyang nagtatrabaho roon bilang architect assistant ni Architect Engr. Kaiser Arevalo sa kompanyang pinapasukan niya, ang AVIZA Land. Isang sikat na Land Coporation ng isang bilyonaryong hindi pa niya nakikilala. “Are you okay, Zairah?” Napaangat siya ng tingin nang maulinigan niya ang boses ng kaniyang boss na si Kaiser. May bitbit itong dalawang cup of coffee. “Coffee.” Inilapag nito ang kape sa mesa niya. “I’m okay, Sir. Late na ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko iyong estimate budget natin sa isang client.” “I’m sorry for that. I hope that coffee will make you well.” “Thank you, Sir.” “By the way, may gaganaping welcome back party ng may-ari ng AVI

