MALUTONG ang tawa ng binata sa kabilang linya at tila may ibig sabihin. Mukhang maniniwala na siyang dragon nga talaga ang aalagaan niya at siya ang pain kaya siguro malaki ang ibabayad sa kaniya. “Of course, not! Ibang karne ang kinakain ng dragon na ito. Anyway, I will fix your appointment today and meet my friend.” “Today, Sir?” kunot-noong tanong niya. Hindi niya ini-expect na ngayong araw siya makikipagkita sa boss na kaibigan din nito. Ni hindi pa nga niya alam kung magkano ang sasahurin niya sa kaniyang trabaho. “Ako ang bahala sa'yo. I'll text you the place where we meet today or else, I will fetch you.” “Uhm…” Napalunok siya. “S-Sige. P-Pero hindi mo pa sinabi sa akin ang—” “Let my boss handle that thing. Don't worry, he is billionaire as I said last night. Maaari kang mag-de

