“Hello! Zack? Hijo, I'm glad you call! How are you, by the way? How's everything there?” May halong pang-aasar ang tono ng boses sa kabilang linya nang may tinawagan si Zack nang hapon na iyon. Ayaw sana ng binatang makipag-usap sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina. Noon pa man ay isinumpa na niya ang babaeng ito pati na rin ang kaniyang ama na iniwan siya para lang dito. “Zack? Still there?” Humugot muna siya nang malalim na hininga bago tumugon. “I'll pay the mortgage land of Mr. and Mrs. Iligan with the exact amount of three hundred thousand pesos. I want to settle it right now,” mariin at direktang wika niya sa kabilang linya. “W-What do you mean, Hijo? Is it the land of⸻” “You know what I mean, Mrs. Guevarra.” “I'm Mrs. Villa Acosta. I guess you forgot, hijo.”

