“Oo. Iyon kasi ang findings. Kaya kung ako sa’yo, kay Raven ka na lang. Hindi sa dini-discourage kita, Zai. Doon na tayo sa reality.” “Kung makapagsalita ka para kang may asawa na.” “Dating muna,” tugon nito sabay ngiti. “Grabe, sumakit ang sentido ko sa mga sinabi mo.” “Buti nga at nasabi ko sa’yo para aware ka na may ganoong nangyayari sa bahay at sa buhay ni Sir Zack. Pero naaawa ako kay sir sa kalagayan niya at tama lang talaga na nariyan ka para alalayan siya. Pero hindi siya pang-husband material dahil sa kalagayan niya. Sabagay, pwede naman ang artificial insemination ngayon.” “Hindi ko alam kung saan ka humugot ng mga sinasabi mo. Ang dami mong alam.” “Well, thanks sa libreng wifi sa bahay ng boss natin. Na-enhance ang hampaslupang katulad ko. Akin na rin itong mangga.” “Bah

