“What are you doing, Zack? Tumayo ka nga riyan at pinagtitinginan na tayo ng mga tao!” gigil niyang sambit dito. “No, I won't! Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo ako pinapatawad.” “Ano?! Nahihibang ka na ba?” “Forgive me, Zairah.” For the first time, Zack is begging her forgiveness. Alam niyang hindi ito nagbibiro at hindi rin ito tatayo hangga't hindi niya ito pinapatawad. “Oo na! Oo na! Tumayo ka na riyan at bago pa tayong dalawang ma-viral!” “I don't care as long as you will forgive me.” “Bingi ka ba? Pinapatawad na nga kita. Stand up, Zack!” inis niyang wika. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak nito. May paluhod-luhod ka pang nalalaman pero kung makasigaw ka at palayasin mo ako sa bahay mo, akala mo ang sama kong tao! Mabilis naman itong tumayo habang hindi nito

