Marahan nagmulat ng mata si Zairah saka niya inilibot ang paningin sa buong paligid. Amoy na amoy niya ang mga gamot na nanunuot sa kaniyang ilong sa loob ng kwartong iyon. Nasa ospital ba ako? She turned her head in her left side and saw a man holding her hands and sleeping. Halos hindi naman niya ma-igalaw ang kaniyang mga daliri dahil hinang-hina pa siya ngunit wala na ang kaniyang lagnat. What happened to me? Why I am here? Ayaw naman niyang abalahin ang binatang mahimbing ang pagkakatulog nito sa tabi niya habang nasa wheelchair ito. Zack? Malaya niya itong pinagmasdan hanggang sa kumilos ito at tumingala sa kaniya. Tila naramdaman nitong nagising na siya kaya nag-atubili rin ito. “Zairah…” sambit nito. Agad itong umaayos sa pagkakaupo at napahilamos sa mukha. “Sorry. Nagising ba ki

