PIKIT-MATANG sinusundan ni Zairah ang linya ng pregnancy test na ibinigay sa kaniya ni Doctor Imari Villa Acosta. Ang pinsan ni Zack na pinuntahan nila sa isang maternity hospital na pagmamay-ari nito. Agad-agad din nagtungo sila roon upang masigurong nagawa nga nila ang ilang gabi at araw na magkasiping sila. Hindi na nga niya naisip na aabot pala sila sa puntong iyon ni Zack at siya pa mismo ang nag-alok sa sariling magkaroon ng solusyon ang problema nito. Sobrang kinakabahan siya nang mga oras na ito at kung sakaling negative ay susubok na naman sila ulit ni Zack ngunit tulad nga nang sinabi nito, baka imposible rin dahil sa aksidenteng nangyari dito. Lumipas ang ilang segundo at dismayado siyang makita ang isang guhit sa pregnancy test na ginawa niya. Mukhang hindi pa ito ang tamang p

