Maximillian's POV Sinubukan ko ang ibat-ibang paraan na alam ko para makatakas sa bahay at makita si Trek ngunit hindi ako nagwawagi. Mas lalong humigpit ang pagbabantay sa akin mula nong nadischarge na ako sa ospital. Christian's party became the headline of our local news. At dahil sa insidenteng ito, nagpasya ang departmental head namin na agahan ang pagtatapos ng semester para sa mga estudyanteng nasangkot sa gulo. May ilang natrauma dahil don kaya nagreach out ang ilang mga magulang sa paaralan namin na kung pwede ay hindi na nila pababalikin sa eskwela ang mga anak nila. Tapos naman din ang final exam namin at kung tutuosin ay magpapaclearance nalang kami kaya naging madali na lang para sa department head ang magdesisyon. At dahil don, hindi na nga ako tuluyang makalabas-labas

