Maximillian's POV Kahit na tapos na kaming kumain, huminto pa talaga si Trek sa isang convenience store para bumili ng pagkain. Hindi ko alam kung gaano kami katagal don ngayon pero isa lang alam ko, kung saan pupunta si Trek siguradong sasama ako. “Water? Soda? Or coffee?” Tanong sa akin ni Trek habang nakatitig sa akin habang ako naman ay nakatingin sa mga maiinom. “Hmm, kahit ano na lang.” “Are you sure?” Tumango ako sa kanya atsaka ito hinayaang pumili. Pero nang may makita akong chilled bottled matcha, parang biglang nagningning ang aking mga mata atsaka mabilis na binuksan ang malaki nilang fridge para kunin ito. Sabay kaming nagkatiningan ni Trek na ngayon ay hawak-hawak na isang boteng tubig, chilled bottled coffee, at isang soda can. “Really?” He said with a smolded face.

