Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at panahon. Hindi ko akalain na ‘yong taong nakabungguan ko ay siya pala ay may malaking papel sa buhay ko. Nang dahil lamang sa pagpulot namin ng sabay sa lapis na nalaglag ko, hindi ko akalain na doon na magsisimula ang nararamdaman ko.
Ewan ko ba? Pakiramdam ko ay parang ang tagal na naming magkakilala, na tila sobrang tagal na naming nagkita, ngunit hindi ko lamang alam kung saan at kailan. Kakaiba talaga pumana ng puso si kupido. Alam na alam n’ya kung kanina ako ipapares, mula sa taong mamahalin ko ng sobra.
“Pinagmamasdan mo na naman ‘yang lapis mo? Baka mapudpod na ‘yan d’yan sa katititig mo.” Agad naman akong napatingin ng bigla nagsalita mula sa likuran ko si Vincent.
Nakita ko na habang nagsasalita ito ay natatawa pa siya. Habang pinagmammasdan ko ang mukha niyang nakangiti, hindi ko maiwasang mapanga-nga dahil sa guwapong itsura na mayroon siya.
Agad kong ibinalik ang aking atensyo sa sarili ko. Ayaw ko na makita n’ya ako na nasa ganitong estado ng pagkamangha sa kaniya. “Nagtataka lamang ako kung paano ka nagkagusto sa’kin? ‘Yong tipong kukunin lang natin ‘yong lapis, ngunit, puso mo ang nahulog sa’kin.” Hindi kong maiwasang matawa sa huli kong sinabi sa kaniya.
Nakita ko namang itong napangiti rin dahil sa aking sinabi sa kaniya. “Ganun talaga. Bakit, ikaw? ‘Yong nagdikit nga ‘yong kamay nating dalawa. Bigla ka na lamang namula. Ibig sabihin, mas nauna pang mahulog ang puso mo sa akin kaysa sa lapis mo.” Ganti nito sa akin.
Aaminin ko, totoo ang sinabing iyon sa akin ni Vincent. At sa panahong iyon, doon ko nakumpirma na hindi ako deretsong lalaki – kundi isang silahis. “Bakit? Nagsisisi ka ba dahil nahulog ang puso mo sa akin?” Nawala ang tuwa at ngiti sa aking labi. Agad iyong napalitan ng lungkot at pagkadismaya.
Naramdaman ko naman itong tumabi sa akin. At tulad ng inaasahan, isang matamis at banayad na halik ang aking natanggap mula sa kaniyang labi. Hindi alintana ni Vincent ang ibang estudyante na maaaring makakita sa kaniyang ginawa sa akin.
“Ano ka ba, Jake? Sinabi ko ba na nagsisisi ako na niligawan kita? Wala naman akong sinabi na ganun ‘di ba?” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at naramdaman ko na lamang na marahan niyang hinahawakan ang aking mukha. “Simula nu’ng araw na niligawan kita, walang pagsisisi akong nararamdaman. Ang tanging alam ko lamang na nararamdaman ng puso ko, ay ‘yon ang mahalin ka.”
Saa mga sinabing iyon sa akin ni Vincent, hindi ko maiwasang kiligin sa aking mga narinig. Tila parang musika ang mga katagang iyon sa aking taenga, na siyang nagbibigay ng matinding tuwa at saya sa aking puso.
“Vincent, natutuwa ako dahil ito ang unang pagkakataon ko na magmahal ng kapwa lalaki. Hindi ko alam, ngunit hindi nabubuo ang araw ko na hindi kita kasama at kausap. Kahit na araw-araw kong sinasabi sa ‘yo na mahal na mahal kita. Ngunit, mas lalo ko sa ‘yong ipaparamdam ang mga salita na iyon sa aking mga gawa at pagpapahalaga sa iyo.”
“Alam ko naman iyon, Jake. Ramdam na ramdam ko ang mga iyon, lalo na kapag magkasama tayo. Pero, hindi rin ako magsasawa na iparamdam sa ‘yo ang buo kong pagmamahal.”
“Hoy, Jake! Wake up! Ano!? Tutulugan mo lang kaming dalawa rito ni Francis!? Jake! Wake up!” Sunod-sunod na tapik at hampas ang akin natanggap mula sa kaibigan kong si Elice.
At habang ginagawa n’ya iyon sa akin, nabingi naman ako dahil sa lakas ng bibig nito na itinapat n’ya naman sa aking taenga. “Kailan pa kayo nakapasok sa bahay namin? Hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta para nakapaghanda ako.” Umayos naman ako ng pagkakaupo upang mabigyan sila ng sapat na espasyo para makaupo.
Agad namang tumabi sa akin si Elice ng marinig n’ya ang sinabing kong handa. “Ay! Talaga ba, Jake? Sino ba ang may birthday? Si Nanay Amy ba?” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin.
Nagulat naman ako ng bigla na lamang napunta ang ulo ni Elice sa aking dibdib ng makita kong binatukan pala iyon ni Francis “Elice, handa? Ibig sabihin, mag-aayos. Patay gutom ka talagang babae ka, e.” Galit na saad ni Francis sa kaniya.
“Panira ka naman, Francis, e? Alam ko naman, baka kasi madala ko si Jake sa pang-uuto ko. Hindi marunong sumakay,” umayos naman ito sa kaniyang pagkakaupo. At nang tignan ko si Francis, napa-iling na lamang ito kay Elice. “ Palibhasa, siya kasi ang sinasakyan.” Pabulong na pagsasalita ni Elice, sapat na iyon upang aking marinig.
“May sinnasabi ka, Elice? Ano ‘yon? Anong ako ‘yong sinasakyan?” Habang pinagmamasdan ko ang aking mga kaibigan na nag-iinisan, hindi ko maiwasang matuwa dahip muli ko silang nakita.
Ilang buwan na rin simula nu’ng magkita-kita kaming tatlo. ‘Di tulad nu’ng mga nasa College pa kami, palagi naming kasama ang isa’t isa. Iba na talaga ngayon, habang tumatanda kami, lalo naming inuuna ang trabaho at naisasantabi ang aming relasyong magkakaibigan.
Ngunit, kahit naman abala kami sa aming mga trabaho, hindi pa rin namin nakakaligtaan ang bawat isa na maglaan ng sapat na oras at araw upang makumusta naming ang bawat isa.
Agad akong nagsalita upang matigil na sina Elice at Francis sa ginagawa nilang pagbabangayan sa isa’t isa. Nagtagumpay naman ako dahil nakuha ko naman ang kanilang atensyon, dahilan upang tuluyan na silang tumigil na dalawa.
“Oo nga pala, bakit nga pala kayo nagpunta rito sa bahay?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Agad namang nagkatinginan sina Elice at Francis na siya namang ipinagtaka ko.
“Ah, Jake? ‘Di ba wala ka na sa dati mong pinapasukan na kumpanya? May iaalok sana ako sa ‘yo, kung ayos lang.” Alangan na pagsasalita sa akin ni Elice.
“Oo naman, medyo mag-iisang buwan na rin akong wala sa dating kumpanyan na pinapasukan ko. Bakit mo naman naitanong?” Balik na tanong mo rito.
“Bilang Executive Assisstant ng hayop kong Boss. Gusto n’ya na humanap agad ako ng kapalit na umalis naming empleyado. Naiinis nga ako, sobrang sungit. Daig pa babae sa pagsungit.” Sabay naman kaming napatawang dalawa ni Francis ng makita naming ang mukha ni Elice na tila pinagsakluban ng langit at lupa sa inis.
“Girl, easy ka lang. Huwag mong masyadong kunsumihin ang sarili mo d’yan sa Boss mo. Ikaw rin, baka hindi ka na magkaboyfriend.” Inis na sambit ni Francis kay Elice.
Nanlaki naman ang aking mga mata ng makita kong tumingin ng masama si Elice kay Francis. Dahan-dahang itong gumalaw papalapit kay Francis “I don’t care. Kung ayaw nila, may pera akong pangsampal sa kanila. Isa pa, ano silbi ng katawan ko kung hindi ko gagamitin, ‘di ba? Kaya ko silang paglawayin sa ganda ko at sa ganda ng hubog ng aking katawan.”
“Girl, Elice, stop imagining things. Walang lalaki ang papatol sa babaeng losyang na katulad mo. Do you have your money, right?” Agad namang tumango si Elice sa tanong na iyon ni Francis. “Then, money can make you beautiful, just go to Dermatology. They can fix your being an old woman.” Natatawang pagsasalita ni Francis kay Elice.
Bahagya akong napatawa sa naging sagot na iyon ni Francis kay Elice. At nagulat na lamang ako ng biglang tumayo sa aking tabi si Elice. Ilang sandali pa, isang malakas na batok ang inabot ni Francis kay Elice.
At base sa ekspresyong iyon ni Francis. Hindi biro ang batok na ginawa sa kaniya ni Elice. “Serves you right, b***h. Ganda kong ito? Hindi ko kailangan ng Derma. Maganda na ako, periodt.” Bahagya na lamang akong napa-iling sa kanilang dalawa.
“Tama na. Elice, kailan ba ako puwedeng magpunta d’yan sa pinagtatrabahuhan mo” Tanong ko kay Elice.
“Awww! Jake? Tinatanggap mo na ang alok kong trabaho sa ‘yo? Seryoso?” Hindi makapaniwalang pagtatanong sa akin ni Elice. Imbes na sagutin ko ang kaniyang tanong, bahagya akong tumango rito bilang sagot ko sa kaniya.
Agad naman ako nitong niyakap ng mahigpit. At dahil sa higpit na ‘yon, bahagya akong nakaramdam ng pagsikip ng aking paghinga. Nang mapansin iyon ni Francis, agad n’yang inalis sa pagkakayakp si Elice sa akin. “Elice, baka mapatay mo naman si Jake sa higpit ng yakap mo.”
“Jake, pasensya na, ha? Natuwa lang talaga ako dahil hindi na ako pagagalitan ng impakto kong Boss,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at kinuha ang kaniyang telepono sa bulsa ng kaniyang bag. “Teka lang, ha? Sabihan mo ko lang ang Boss ko.
Sabay naman kaming tumango ni Francis sa naging bilin sa amin ni Elice na tumahimik. “Hello, Sir Tolentino. I made it! Pumayag na ho ang aking kaibigan na pumasok sa kumpanya mo.” Pagsasalita nito sa kausap n’ya sa telepono. “Yes, Sir Tolentino. Okay po, salamat.”
Nang matapos ito sa kaniyang pakikipag-usap ay agad n’ya akong tinignan ng may malawak na pagkakangiti sa kaniyang labi. “Hindi na makapaghintay pa ang aking Boss na si Mr. Tolentino na makatrabaho ka, Jake. Sobrang natutuwa ako dahil magkasama tayo sa iisang kumpanya.”
Hindi ko nakuhang sagutin ang sinabin iyon sa akin ni Elice. Tila natakasan ako ng aking ulirat ng marinig ko sa kaniyang bibig ang isang pamilyar na pangalan. Pangalan na kahit kaioan ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Sino bang Mr. Tolentino ang tinutukoy sa akin ni Elice na kaniyang Boss? Iisang tao lamang kaya silang dalawa? Kung sakaling tama nga ang kutob ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, oras na muli kaming magkita na dalawa.