“What are you doing here, Bianca? Pinagbawalan na kitang pumunta pa rito, hindi ba? Malinawa na rin sa atin na wala na tayo – na tapos na tayo.” Galit na pagsasalita ni Vincent kay Bianca. Marahan namang bumitaw sa akin si Vincent. Lumapit ito kay Bianca, ngunit nang tignan ko ang mukha niya, mababakas roon ang determinasyon na hindi siya basta-basta susuko kay Vincent. “Really? Bakit nakapasok pa rin ako? Isa pa, sa tingin mo ba na basta-basta na lamang akong papayag na maghiwalay tayo? Hindi, Vincent. Maraming taon akong naghintay para mahalin mo ako. And I cannot afford to lose this time.” Matapos magsalita ni Bianca, agad itong tumingin sa akin ng masama. At sa mga titig niyang iyon sa akin, tila may ipinapahiwatig siya sa akin. “You,” pagturo niya sa akin, “do you really think t

