Chapter 31: Vincent

2752 Words

“Jake, ayos ka lamang ba? Ihahatid na natin ang nanay mo sa huling hantungan niya.” Hinawakan ko ang kaniyang kamay at saka ko ito inakap ng mahigpit. Habang nakayakap ako kay Jake, bigla ko na lamang naramdaman ang muling pagtulo ng kaniyang luha. Naramdaman ko rin ang bahagya niyang paghawak sa aking braso. “Vincent, wala na ang nanay ko. H-hindi… k-ko... k-kayang… mawala siya. Hindi ko kaya…” nang marinig ko ang boses ni Jake na puno ng pighati at kalungkutan. Marahan kong isinandal ang kaniyang ulo sa aking dibdib. Marahan ko ring hinimas ang kaniyang likod upang bahagya siyang pakalmahin. “Magiging maayos rin ang lahat. Narito lang ako, hindi kita iiwanan,” saad ko. Nang matapos ko nang basahin ang sulat na ibinigay sa akin ng tiyahin ni Jake. Marahan akong napatingin sa natut

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD