Chapter 2: Vincent

1643 Words
Nagising na lamang ako ng may narinig akong ingay na nagmumula sa ibaba ng aking bahay. Marahan akong tumayo mula sa aking pagkakahiga at agad kong tinungo ang palikuran upang hilamusan ang aking mukha. Nang matapos ako sa aking ginagawa, agad kong tinungo ang pinto upang alamin kung bakit may ingay sa ibaba. Habang tinutungo ko ang lugar kung saan nagmumula ang ingay, ay lalo pa iyon lumalakas habang papalapit ako. Nang tuluyan na akong makababa, narinig ko na ang ingay ay nagmumula sa kusina. Kaya naman, agad akong nagpunta roon upang tignan kung ano ang nangyayari roon. “Lola Dory and Lolo Ernie, gaano na po kayo katagal rito sa bahay namin? Tsaka, bakit po kayo rito nakatira?” Hindi muna ako nagpakita sa batang nagsasalita. Hinayaan ko muna silang mag-usap na tatlo. Kung ganun, dito pala nagmumula ang ingay na aking naririnig mula sa aking silid. Muli akong napasilip ng marinig kong nagsalita si Manang Dory upang sagutin ang tinanong sa kanila ng aking anak. “Bata ka pa talaga. Alam ko kahit sabihin namin sa iyo ang tungkol sa bagay na ito, ay hindi mo pa rin kami mauunawaan. Ngunit, dahil sa kagustuhan mo ay gagawin namin iyon,” nakita kong hinaplos ni Manang Dory ang ulo ng aking anak bago nito ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Hindi ka pa isinisilang sa mundong ito, ay kasambahay na ako rito. Ako na ang nagpalaki sa Papa mo at nagsilbi niyang mga magulang. Dahil doon, kaya ako nagtagal rito sa inyo.” “Tama si Lola Dory mo, Apo. Tulad niya, ay driver at hardinero ako noon sa mga Lolo at Lola mo. Isa na rin ako sa mga naging pangalawang magulang ninyo ni Papa mo. Kaya nga, kabisado na namin si Papa Vincent mo. Alam na alam namin ang ugali niya.” Narinig kong sagot ni Manong Ernie sa bata. Sa kanilang mga sinabi sa aking anak, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng sobrang tuwa sa aking loob. Dahil tanging si Manang Dory at Manong Ernie na ang nagsilbing mga magulang at gabay ko, simula nu’ng nawala ang aking mga magulang. Ni kahit minsan, hindi ko naramdaman sa kanila na itinuring nila akong ibang tao. Bagkus, pinaramdam nila sa akin na tila ba – isa nila akong tunay na anak at kadugo. Kaya simula noon at hanggang ngayon, ay malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa. At bago pa muling makapagtanong ang aking anak na si Cheska kila Manang Dory at Manong Ernie. Ay minabuti ko ng magpakita sa kanilang tatlo. “Maganda umaga po, Manang Dory at Manong Ernie,” matapos kong magmano sa dalawang matanda, ay agad kong tinungo ang kinauupuan ng aking anak. “Good morning, My Princess.” Isang halik sa kaniyang noo ang aking ibinigay rito na siya namang ikinangiti ng aking anak. “Good morning rin po, Papa Vincent,” tumayo ito matapos niyang bumati sa akin ng magandang umaga. Nagulat kami nina Manang at Manong sa ginawang iyon ng aking anak. Maingat na inilapag ni Cheska ang aking plato sa mesa at marahan niya akong nilagyan ng paborito kong sinangag at itlog. “Alam ko po na paborito ninyo ang ganitong klase ng almusal. Kaya ako na po ang naglagay sa inyo ng mga iyan.” Nagkatinginan naman kami nina Manang Dory at Manong Ernie sa ginawang iyon ni Cheska sa akin. Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawang iyon ng aking anak, kahit pa sobrang simple lamang ng bagay na iyon. “Maraming salamat, anak ko.” Muli ko itong hinagkan at binigyan ko ito ng isang halik sa kaniyang ulo. Naramdaman ko namang napangiti ito sa aking ginawa. Susubo na sana ako ng aking almusal ng bigla na lamang magtanong si Cheska tungkol sa kaniyang Mama na si Eunice. “Papa, puwede po ba ninyong sabihin sa akin – kung gaano kaganda ang Mama ko?” Napahinto ako sa tanong na iyon sa akin ng anak kong si Cheska. Maging sina Manang Dory at Manong Ernie ay nagulat rin sa naging tanong sa akin ng aking anak. Maingat kong inilapag ang hawak kong kubyerto sa aking pinggan. Dahan-dahan akong lumingon sa aking anak at hinaplos ko ang buhok nito. “Gusto mo ba talaga na malaman ang tungkol sa iyong Mama Eunice?” Agad namang itong tumanggo sa naging tanong ko sa kaniya. Alam ko na darating ang panahon na kailangan ring malaman ni Cheska ang tungkol kay Eunice. Ngunit, sa ngayon, ay kailangan ko munang dahan-dahanin si Cheska sa pagpapakilala kay Eunice. “Makinig ka sa ikukuwento ko sa ‘yo, ha?” Dagdag ko pa. Ilang araw matapos akong mailipat ng aking mga magulang sa isang magandang Unibersidad rito sa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mararamdaman ni Jake sa pag-alis ko na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya. Ayokong magtanim ng galit sa akin si Jake, dahil sa pag-iwan ko sa kaniya sa ere. Alam ko rin na masasaktan ko siya ng sobra sa ginawa kong ito. Nawalan ako ng tapang upang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa lalaking pinakamamahal ko. Pinilit kong isekreto ang tungkol sa relasyon naming dalawa, ngunit paano nalaman ng aking mga magulang ang tungkol sa bagay na iyon? “Puwede bang maki-upo sa tabi mo?” Nabalik na lamang ako sa reyalidad ng may narinig akong nagsalita mula sa aking gilid. Napalingon naman ako sa taong nagtanong sa akin. Nang makita ko ito, bumungad sa akin ang isang babae na may mga dala-dalang gamit. Imbes na sagutin ko ang dalaga sa kaniyang tanong, marahan na lamang akong umusod upang mabigyan siya ng sapat na espasyo. “Ayos ka lamang ba? Mukhang naistorbo ata kita sa ginagawa mo? Pasensya ka na, ha?” Bigla nitong pagsasalita ng wala itong narinig na sagot mula sa akin. “H-hindi…” Nauutal kong sagot rito. Napakamot naman ako ng aking ulo dahil sa naging reaksyon ko base sa naging sagot ko sa dalaga. “…pasensya na. May iniisip lamang ako.” Dagdag ko. Nakita ko namang ito na may kinuha sa kaniyang bag. Ilang segundo pa ang lumipas, may kung ano itong ibinigay sa akin. “Ayan, sa ‘yo na ‘yan. Kung tao man ang nasa isip mo. Puwede mong isulat diyan ang lahat ng nararamdaman mo. Nu’ng sa ganun, ay mabawasan ang bigat riyan sa dibdib mo.” Ani nito sa akin. Napatingin naman ako sa notebook na kaniyang ibinigay sa akin. “Hindi ko ito matatanggap. Alam ko, na kailangan mo ang bagay na iyan. Huwag mo akong alalahanin, magiging maayos rin ako.” Marahan kong ibinalik sa kaniya ang notebook na ibinigay niya sa akin. Ngunit, sadyang mapilit ang dalaga na maibigay iyon sa akin. Kaya naman, wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang kaniyang bigay sa akin. “Simula ngayong araw, sa iyo na ‘yan. Makakatulong iyan para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo. Maniwala ka.” Saad nito. Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon sa akin. “Maraming salamat rito, ha? Hindi ko tuloy alam kung paano makakabawi sa ‘yo,” maingat kong inilapag sa mesa ang notebook na bigay ng dalaga sa akin. “Ano pala ang pangalan mo?” Dagdag na tanong ko rito. Nakita kong inilahad nito ang kaniyang palad. Nagtaka naman ako sa ginawa niyang iyon, ngunit nagulat na lamang ako ng siya na mismo ang kumuha sa aking kamay upang makipagkamay sa kaniya. “I am Eunice Montemayor, and you are?” “I’m Vincent Tolentino, isa akong transferee.” Nakangiti kong tugon sa dalaga. Napatango na lamang ito habang nananatiling magkahawak ang aming mga kamay. “Doon kami nagkakilala ni Mama Eunice mo. Honestly, sobrang bait niya – maasikaso at maalaga na asawa. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ang damdamin ko sa Mama mo.” Napatango naman ang aking anak na si Cheska, nang matapos ako sa pagkukuwento ko sa kaniya. “Pero, Papa? Para saan po iyong notebook na ibinigay sa ‘yo ni Mama? Sabi mo kasi, nalulungkot ka. Ano naman ang inilagay mo roon sa notebook na ibinigay niya?” “Anak, alam kong hindi mo pa mauunawaan ang mga sinasabi ko. Ngunit, sa totoo lang, bago kami naging mag-asawa ni Mama Eunice mo. May isang tao ako na pinakamamahal ko – na hanggang ngayon, ay nananatili pa rin rito sa puso ko.” Base sa reaksyon na nakikita ko kay Cheska, ramdam ko sa bata ang pagtataka niya. Ngunit, handa na nga ba akong sabihin sa aking anak ang unang naging pag-ibig ko? Naputol na lamang ang aking pag-iisip ng biglang nagtanong ulit sa akin si Cheska. “Si Tita Bianca ko po ba ang tinutukoy ninyo? Papa, ayaw ko pp sa kaniya. I don’t like her to be my new Mama. She’s bad and she always mad at me.” Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabing iyon sa akin ni Cheska. Bago ako nagsalita, marahan kong hinaplos ang buhok ng aking anak. At kahit hindi niya sabihin sa akin ang bagay na iyon. Alam ko at ramdam ko na hindi gusto ni Bianca si Cheska. Kaya, nagdadalawang-isip ako na pakasalan siya. Ngumiti ako kay Cheska bago ko tuluyan sagutin ang kaniyang tanong sa akin, “Hindi, anak. Hindi si Tita Bianca mo. Siya ang unang pag-ibig ko bago naging kami ni Mama Eunice mo. Tulad niya, mabait rin ang taong iyon. Ngunit, hindi ko alam kung nasaan na siya.” “Bakit hindi po ninyo hinanap ang taong iyon? ‘Di ba po, kapag mahal mo, ay gagawa ka ng paraan para muli kayong magkasama at magkita na dalawa?” Sa sinabing iyon ng aking anak, hindi ko naiwasan ang matawa sa sinabi niya. Narinig ko ring napatawa sina Manang Dory at Manong Ernie. “Alam mo, anak? Ang daldal mo. Bata ka pa, ano ba ang alam mo sa pagmamahal, ha?” Matapos kong magsalita ay marahan kong pinisil ang dalawa niyang pisngi na siya namang ikinatuwa ng aking anak. Muli kong itinuon ang aking sarili sa umagahang nakahain sa aking harapan. At sa tagpong iyon, sabay-sabay naming pinagsaluhan ang isang umagang kay saya. Napuno rin ang kusina ng tawanan dahil sa kakaibang kulit ng aking anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD