“Jake, please, nakikiusap ako sa iyo. I know this is too much to ask. Pero wala na akong alam na puwede kong kapitan na pupuwedeng tumulong sa akin bukod sa iyo. Pasensya ka na talaga.” Patuloy pa rin sa pag-iyak si Leona habang sinasabi niya iyon sa akin. “No… no… no…” pag-iling ko habang kausap siya sa kabilang linya, “this is not what you think, Leona. We’re now friends, and as your friend, I should’ve help you no matter and how hard your situation is. Kaya please, lakasan mo ang loob mo. Baka makasama ang stress sa bata at sa pagbubuntis mo.” Matapos kong magsalita, nadapo ang aking paningin sa aking iba pang kaibigan na sina Elice, Karyle at Zammy na kasalukuyang nakikinig sa pinag-uusapan naming dalawa ni Leona. Agad akong napabalik sa aking ulirat nang muli kong narinig na nagsa

